May 21, 2026

Home FEATURES

Pagiging makalat, may kinalaman ba sa katalinuhan ng tao?

Pagiging makalat, may kinalaman ba sa katalinuhan ng tao?
Photo courtesy: Pexels


Tamad ka bang maglinis ng kuwarto mo? Naku, baka matalino ka!

Simula pa noong bata, itinuturo na ang kahalagahan ng kaayusan at kalinisan—mula sa sarili, hanggang sa kapaligiran at tahanan.

Pero hindi maiiwasang may pagkakataong makakaligtaang maiayos ang gamit bunsod ng iba’t ibang dahilan.

Sa kabila nito, may mga nagsasabing ang pagiging makalat daw ay may kinalaman sa kapasidad ng utak ng tao.

Totoo ba ito?

Trending

'Tamod' imbes na 'tanod!' Headline ng pahayagan, kinaaliwan



Ayon sa isang artikulong mababasa mula sa University of Arkansas Grantham, tila may mabuting epekto raw sa “creativity” ng isang tao ang makalat na kuwarto.

“Disorderly environments seem to inspire breaking free of tradition, which can produce fresh insights,” mababasa sa ulat.

Anito, “When you’re working on writing an essay or participating in a class discussion, don’t stress about the clutter around you. It’s actually helping your creative process!”

Batay naman sa pahinang “Medium,” isang pag-aaral ang nagsasabing may kinalaman nga umano ang katalinuhan at kalat sa kapaligiran.

“There is a common idea according to which messy people are considered smarter. But, is it only a myth or a proven fact? Well, science says that messy people who go to bed later and curse a lot tend to be smarter than average. A study by the University of Minnesota, made in 2013, suggests, that the messy desk of geniuses is actually linked to their intelligence. If you don’t spend much time cleaning and organizing everything around you, your mind is obviously occupied with more important stuff,” mababasa sa artikulo.

Gayunpaman, wala pang pag-aaral na direktang sinasabi na ang makakalat na tao ay mas matatalino kumpara sa mga masisinop.

Ang malinaw, inuudyukan ang lahat na maging mas maayos sa kani-kanilang kapaligiran upang maiwasan ang posibleng sakit na dulot ng dumi o mikrobyo—na siyang pinatunayan na ng siyensya.

Mahalaga pa ring mamutawi ang disiplina at kaayusan dahil hindi lamang ito makatutulong sa sarili, bagkus ito rin ay para sa kapakanan ng nakakarami.