April 29, 2026

Home SHOWBIZ Musika at Kanta

BINI, parang lalaban ng boxing sa Coachella!

BINI, parang lalaban ng boxing sa Coachella!
Photo Courtesy: BINI (FB)

Tila walang paglagyan ang saya ng leader ng BINI na si Jhoanna Robles para sa pagtatanghal nila sa Coachella Valley Music and Arts Festival ngayong taon.

Ito ay isang taunang music and arts festival na  hango ang pangalan sa isang siyudad.

Maki-Balita: BINI, magpe-perform sa Coachella sa 2026!

Sa X post ni BINI Jhoanna nitong Biyernes, Abril 10, sinabi niyang tila lalaban umano sila sa boxing.

Aniya, “Parang sasabog ‘yong puso ko kapag ‘di ko nalabas ‘to HAHAHAHA grabe nao-overwhelm ako. Na para bang lalaban ng boxing ang mga atecco.”

Musika at Kanta

Matty Juniosa, diretso finals na matapos Golden Buzzer win sa Britain’s Got Talent

“Kidding aside, maraminggggg salamaaaat po sa lahat ng nagpaparamdam ng support and love nila for BINI. Kinakabahan kaming girls pero mas lamang talaga excitement,” dugtong pa ni BINI Jhoanna.

Samantala, tiniyak naman niya na gagawin ng BINI ang kanilang best sa Coachella.

“We’ll do our best tomorrow!!! Pilipinas mag-ingayyy!!!” anang BINI leader.

Makakasama ng BINI ang ilan sa mga tanyag na musicians sa iba’t ibang bansa katulad na lamang nina Central Cee, Blood Orange, Ethel Cain, Moby, Devo, Slayyyter, at Novasol.

Lilitaw din sa nasabing araw ang ilan pang music icons na sina Sabrina Carpenter, Swae Lee, KATSEYE, at iba pa.

Basahin: Ano ang Coachella at bakit big deal ito sa music industry?