May 08, 2026

Home BALITA

DepEd, nakiramay sa atletang pumanaw

DepEd, nakiramay sa atletang pumanaw
Photo Courtesy: DepEd, Mark Dave Nicolas (FB)

Nagpaabot ng pakikiramay ang Department of Education sa mga naulila ng estudyante at atletang si Mark Dave Nicolas.

Namatay siya nitong Miyerkules, Abril 29.

Sa isang Facebook post ng DepEd nito ring Miyerkules, sinabi ng ahensya na patuloy mabubuhay ang pangarap ni Mark sa mga batang binigyan nito ng inspirasyon.

“Higit pa sa mga medalya, si Mark Dave ay sagisag ng sipag, pag-asa, at pananalig sa pangarap,” dugtong pa ng DepEd.

Isang Ilokano si Mark na bago mamaalam ay gumagawa ng pangalan sa larangan ng track and field. 

44°C heat index, naitala sa 4 na lugar sa Luzon!

Nakasungkit siya ng gintong medalya sa ginanap na Palarong Pambansa 2025 para sa athletics 800-meter run (boys) habang dalawang medalyang pilak naman ang nakuha niya noong 14th ASEAN School Games para sa athletics 800-meter run (boys) at athletics 4x400-meter relay (boys). 

Sa kasalukuyan, wala pang detalyeng tungkol sa sanhi ng pagkamatay ni Mark.