May 14, 2026

Home SHOWBIZ Musika at Kanta

Matty Juniosa, diretso finals na matapos Golden Buzzer win sa Britain’s Got Talent

Matty Juniosa, diretso finals na matapos Golden Buzzer win sa Britain’s Got Talent
Photo Courtesy: Screenshots from Britain's Got Talent (YT)

Nakakuha na naman ng Golden Buzzer ang Filipino singer na si Matty Juniosa sa Britain’s Got Talent, dahilan para umabante siya sa final stage ng naturang kompetisyon.

Sa semi-final episode ng Britain’s Got Talent nitong Linggo, Abril 26, itinanghal ni Matty ang kantang “Dream On” ng Aerosmith.

Matapos umawit, pinabilib niya hindi lang ang mga manonood kundi pati ang mga hurado. Nakatanggap siya ng standing ovation.

“I don't even know what to say. You are just effortlessly sensational...It just pours out of you so easily,” saad ni Alesha Dixon, isa sa mga hurado.

Dagdag pa niya, “That was a stellar masterclass in how to deliver a Class A voca. Well done.”

Musika at Kanta

Hollywood Pop Star Katy Perry, napansin ang 'Thinking of You' cover ni Jayda Avanzado

Kaya naman hindi na nakapagtataka pa nang pindutin ni Amanda Holden ang golden buzzer para kay Matty, na lubhang ikinabaliw nito.

Sabi niya, “I feel crazy right now. Like it’s not real. Oh, my God!”

Matatandaang noong Marso ay nakakuha rin si Matty ng Golden Buzzer mula kay Simon Cowell na nagsilbing daan para makatawid siya sa semi-finals ng Britain’s Got Talent.

Maki-Balita: Dating ligwak na contestant sa Idol Philippines, golden buzzer sa Britain's Got Talent