April 11, 2026

Home FEATURES Trending

Ano ang Coachella at bakit big deal ito sa music industry?

Ano ang Coachella at bakit big deal ito sa music industry?
Photo courtesy: Coachella/FB


“BINICHELLA!”

Ito ang isa sa mga trending topics ngayon sa iba’t ibang social media platforms, partikular na sa X.

Sa darating kasing Biyernes, Abril 10, magtatanghal ang “Nation’s Girl Group” na BINI sa Coachella, sa Mojave Stage, kung saan matutunghayan ang kauna-unahang Filipino act na makakapag-perform sa nasabing festival.

Makakasama ng BINI ang ilan sa mga tanyag na musicians sa iba’t ibang bansa katulad na lamang nina Central Cee, Blood Orange, Ethel Cain, Moby, Devo, Slayyyter, at Novasol.

Lilitaw din sa nasabing araw ang ilan pang music icons na sina Sabrina Carpenter, Swae Lee, KATSEYE, at iba pa.

Ano nga ba ang Coachella?

Ayon sa isang artikulo ng Coachella Valley Independent, ito ay isang taunang music and arts festival na  hango ang pangalan sa isang siyudad.

“Coachella is a term well-known to music-lovers. The annual Coachella Valley Music and Arts Festival at the Empire Polo Club in Indio, which started in 1999, has become a top global music attraction. The festival’s name comes from the Coachella Valley, which was named after the city of Coachella, one of the nine cities in the area between the Salton Sea to the southeast, and the San Gorgonio Pass about 45 miles northwest,” mababasa sa artikulo.

“Coachella was founded by Paul Tollett and Rick Van Santen of Goldenvoice in 1999. The festival began as a one-day event at the Empire Polo Club in Indio, California, and quickly grew in popularity,” ayon naman sa ulat ng Our Music World.

Bakit ito big deal sa music industry?

Base pa sa nabanggit na source, “unique” ang Coachella kumpara sa ibang music festivals dahil sa iba’t ibang mga salik.

“Coachella stands apart from other music festivals due to its unique blend of diverse musical genres, art installations, fashion trends, and its iconic desert setting. These elements create an immersive experience for festival-goers that goes beyond just music,” mababasa sa artikulo.

Trending

ALAMIN: Viral dance song na 'Ikembot Mo,' unang narinig sa pelikula ni Vhong Navarro

Ayon pa rito, “trendsetter” daw ang Coachella sa music industry, at iniinpluwensyahan nito ang iba pang mga kaparehong festival sa daigdig.

Isa ring daan ang Coachella para makilala ang ilang music talents sa iba’t ibang panig ng mundo. Anila, kritikal ang pistang ito para makabuo ng bagong mga karera ang ilang mang-aawit.

Ilan lamang sa mga halimbawa ay ang global icons na sina Lorde, Kendrick Lamar, at The Weeknd.

Ang nakatakdang pagtapak at pagtatanghal ng BINI sa Coachella ay hindi lamang isang kasaysayan, kung hindi isang tanda na world-class ang talento ng mga Pilipino.