Mariing inihayag ni Sen. Robin Padilla sa publiko na wala umanong “messiah” o tagapagligtas ang magsasagip sa sistema ng gobyerno sa Pilipinas.
Ayon sa naging pahayag ni Padilla sa kaniyang Facebook post nitong Miyerkules, Abril 29, 2026, mariin niyang sinabing walang tagapagligtas ang magsasagip sa gobyerno mula sa paglubog nito.
“Mga kababayan, [walang] darating na messiah sa sistema ng gobyerno natin at masasagip ang Pilipinas sa paglubog,” pagsisimula niya.
Pagbibida ni Padilla, sigurado raw na makakapagdulot ng pagbabago si Vice President Sara Duterte kagaya ng nagawa ng huli sa Davao City at naging pamamalakad ng ama niyang si dating Pangulong Rodrigo Duterte noon.
“Si VP [Inday], katulad ng nagawa niya sa [Davao City], siguradong makapagdulot ng pagbabago sa pamamalakad katulad ni tatay [Digong],” diin iya.
Ani Padilla, tila nangangarap lang daw ang publiko kung umaasa itong magdadala ng pag-unlad ng ekonomiya ang unitary-presidential system ng gobyerno sa bansa.
“Pero para asahan natin ang unitary-presidential system of government na ito na magdadala ng pag unlad at mapantayan man lang ang [Vietnam] sa bilis ng pag angat ng ekonomiya,” aniya.
“Nangangarap ka [nang] gising, kabayan!” pagtatapos pa niya.
Sa parehong post, nauna na ring bumuwelta si Padilla para sa mga lumalabas umanong pangalan na sinasabing maaaring maging kasunod na Pangulo ng Pilipinas.
Banat niya, “Ni wala ngang mga nagawa sa lokal nila ang mga [‘yan].”
Ani Padilla, pasado na raw tingnan na may nagawang trabaho at status quo ang ilang indibidwal sa kanilang lokal ngunit wala naman daw napaginhawang buhay ang mga ito.
KAUGNAY NA BALITA: 'Dios mio!' Sen. Robin, nagkomento sa lumilitaw na pangalan para maging Pangulo
KAUGNAY NA BALITA: ICC, Pinoy lang ang binabraso at kinukulong—Padilla