May 20, 2026

Home BALITA National

'Dios mio!' Sen. Robin, nagkomento sa lumilitaw na pangalan para maging Pangulo

'Dios mio!' Sen. Robin, nagkomento sa lumilitaw na pangalan para maging Pangulo
Photo courtesy: File Photo

Bumuwelta si Sen. Robin Padilla para sa mga lumalabas umanong pangalan na sinasabing maaaring maging kasunod na Pangulo ng Pilipinas. 

Ayon sa naging pahayag ni Padilla sa kaniyang Facebook post nitong Miyerkules, Abril 29, 2026, sinabi niyang kaliwa’t kanan daw ang mga lumalabas na mga pangalan para sa naturang puwesto. 

“[Kaliwa’t] kanan ang mga banggitan ng mga pangalan na maari daw maging Pangulo,” pagsisimula niya. 

Screenshot mula sa FB post ni Padilla.

Banat pa niya, “Ni wala ngang mga nagawa sa lokal nila ang mga [‘yan].” 

National

Malalakas na bagyong dulot ng habagat, Super El Niño posible sa Hunyo hanggang Agosto!—PAGASA

Ani Padilla, pasado na raw tingnan na may nagawang trabaho at status quo ang ilang indibidwal sa kanilang lokal ngunit wala naman daw napaginhawang buhay ang mga ito. 

“Pinakapasado na [‘yon] nagtrabaho ng maayos at kahit paano ay status quo ang kalagayan ng lokal nila pero sa usapin na umayos ba ang buhay ng karamihan, wala po!” aniya. 

“[Suwerte] na lang ang lokal na walang utang at hindi lunod sa lokal tax ang mamamayan,” pagtatapos pa niya.

Samantala, wala namang partikular na mga pangalang binanggit si Padilla kaugnay sa kaniyang naging pahayag. 

Makikita rin sa naturang post ni Padilla ang larawan ng Kongreso habang may mababasang paskil na “BAGUHIN ANG KONSTITUSYON: FEDERAL+PARLIAMENT+OPEN FDI.” 

KAUGNAY NA BALITA: ICC, Pinoy lang ang binabraso at kinukulong—Padilla