Binanatan na naman ni Sen. Robin Padilla ang International Criminal Court (ICC) na kasalukuyan umanong tumutugis kay Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa.
Minsan nang nagpakawala ng tirada si Padilla sa naturang korte matapos tutulan ang pag-waive ng karapatan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na dumalo sa nakatakdang pagdinig kaugnay sa confirmation of charges nito.
Maki-Balita: Padilla, kinuwestiyon kredibilidad ng ICC prosecutors: 'Nag-aaral ba kayo ng batas?'
Sa isang Facebook post ni Padilla nitong Martes, Abril 28, sinabi niyang Pinoy lang umano ang kinakayan-kayanan ng ICC.
“[A]ng isanggalang ang international law sa usapin na ito ay kabuktutan dahil sa listahan ng mga wanted ng ICC, tanging mga pinoy lang ang kinakaya-kaya at ikinukulong,” saad ni Padilla.
Dagdag pa niya, “’Yung ibang lahi ay malaya pa rin na namumuno at nasa kalagitnaan pa rin ng pakikipagdigmaan. Kung ok lang sa iyo na iba ang tinitingnan sa tinitingnan ng ICC, ano pala ang tingin mo sa pagka-Pilipino mo?”
Matatandaang may naghihintay na arrest warrant kay Sen. Bato mula sa International Criminal Court (ICC) dahil sa pagkakasangkot niya sa giyera kontra droga sa ilalim ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa katunayan, nakabantay na umano ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa galaw ng senador ayon sa kalihim nitong si Jonvic Remulla.
Kaugnay na Balita: Lokasyon, galaw ni Sen. Bato, minomonitor ng DILG
Samantala, umapela naman si Sen. JV Ejercito kay Dela Rosa na kusang-loob na nitong huwag tanggapin ang sweldo at allowances dahil umabot na sa 31 ang naitalang liban ng kapuwa niya senador.
Maki-Balita: Sen. JV, umapela kay Sen. Bato; kusang-loob na huwag tumanggap ng suweldo, allowances