Tila sunod-sunod na kontrobersiya ang kinaharap ng bansa sa mga nagdaang buwan—mula sa isyu ng maanomalyang flood control projects sa iba’t ibang panig ng bansa, korapsyon, katiwalian, at maging mga politikal na kaganapan.
Ngunit sa kabila ng mga ito, matagumpay pa ring nakapagtala ang lahat ng mga rehiyon sa Pilipinas ng paglago sa ekonomiya nito para sa taong 2025.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang paglago sa ekonomiya ng lahat ng rehiyon sa bansa noong nagdaang taon ay nakabase sa “constant 2018 prices.”
Narito ang economy growth rate ng bawat rehiyon sa Pilipinas noong 2025:
National Capital Region (NCR): 4.35%
Cordillera Administrative Region (CAR): 4.36%
Ilocos Region (I): 4.52%
Cagayan Valley (II): 3.9%
Central Luzon (III): 4.46%
CALABARZON (IV-A): 5.10%
MIMAROPA (IV-B): 4.2%
Bicol Region (V): 0.5%
Western Visayas (VI): 6.4%
Negros Island Region (NIR): 5.699%
Central Visayas (VII): 3.7%
Eastern Visayas (VIII): 1.0%
Zamboanga Peninsula (IX): 2.6%
Northern Mindanao (X): 4.9%
Davao Region (XI): 5.15%
SOCCSKSARGEN (XII): 4.8%
Caraga Region (XIII): 5.704%
Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM): 5.0%
Photo courtesy: Philippine Statistics Authority
Base pa sa PSA, ang Gross Domestic Product (GDP) sa national level ay umangat ng 4.4% noong 2025.
Gayunpaman, mas mabagal naman ito sa naitalang 5.7% noong 2024.
Anang ahensya, ilan lamang sa mga industriyang nakapagtala ng pinakamabilis na growth rates ay ang Human health and social work activities (11.6%), Education (7.8%), at Public administration and defense; compulsary social security (6.8%).
Photo courtesy: Philippine Statistics Authority