May 13, 2026

Home BALITA Internasyonal

US-Israel, pasimuno sa malaking pagsabog sa isang siyudad sa Iran!

US-Israel, pasimuno sa malaking pagsabog sa isang siyudad sa Iran!
Photo courtesy: Pres. Donald Trump

Ibinahagi ni United States (US) President Donald Trump ang video ng malaking pagsabog sa isang siyudad sa Iran. 

Base ito sa inupload na video ni Trump sa kaniyang Truth Social account nitong Martes, Marso 31, 2026, kung saan mapapanood ang malaki at malakas na pagsabog sa gitna ng isang siyudad. 

Tanging video at walang kahit anong konteksto sa caption ng post ng nasabing Pangulo kung saan naganap ang naturang pagsabog. 

Photo courtesy: Pres. Donald Trump

Screenshot mula sa post ni Trump. 

Ngunit ayon sa mga lumabas na ulat mula sa international news media outlet nito ring Martes, ang bansang US at Israel ang nasa likod ng malakas na pagsabog. 

Internasyonal

24 tripulanteng Pinoy ng MV Hondius, sasailalim sa 42-day quarantine sa The Netherlands

Naganap ito sa siyudad ng Isfahan sa Iran kung saan nakatira rito ang mahigit 2.3 milyon na bilang ng mga indibidwal at nakatayo rito ang Badr military airbase ng nasabing bansa. 

Anila, ito na ang maituturing na isa sa pinakamalaking pagsabog at pag-atake ng US at Israel sa Iran magmula nang magsimula ang giyera nila noong Pebrero 28, 2026. 

Kaugnay nito, matatandaang kakatapos lang ianunsyo ni Trump noong Marso 27, 2026, ang muling pagpapatigil niya ng pag-atake sa Iran na tatagal umano sa loob ng 10 araw.

Dahil dito, pansamantala raw munang matitigil ang pag-atake ng US sa mga Energy Plant ng Iran hanggang sa sumapit ang Abril 6, 2026.

KAUGNAY NA BALITA: Trump, pansamantalang ititigil pagwasak sa Energy Plants ng Iran ng 10 araw!

KAUGNAY NA BALITA: 'It's a failing country:' Trump, planong isunod ang Cuba!