May 21, 2026

Home BALITA Internasyonal

'It's a failing country:' Trump, planong isunod ang Cuba!

'It's a failing country:' Trump, planong isunod ang Cuba!
Photo courtesy: MB FILE PHOTO, AP

Tila nagbabala na si United States (US) President Donald Trump na maaaring ang bansang Cuba na raw ang kasunod nilang aatakihin matapos sa Venezuela at Iran. 

Ayon sa naging pahayag ni Trump base sa mga videong inupload ng international news media outlet nitong Lunes (araw sa Pilipinas), Marso 30, 2026, kinumpirma mismo ni Trump ang planong ito ng US dahil sa tila magulo na raw ang Cuba. 

“Yeah, Cuba is gonna be next. Cuba’s a mess, it’s a failing country and it’s gonna be next,” pagsisimula niya. 

Ani Trump, malapit na umanong bumagsak ang bansang Cuba at sisiguraduhin nilang naroon ang US para tulungan ito at ang Cuban Americans na umano’y naging biktima at nasawi dahil daw kay President and Communist Party First Secretary ng nasabing bansa na si Raul Castro. 

“Within a short period of time, it’s going to fail and we will be there to help it out,” aniya. 

Internasyonal

WHO, nababahala sa ‘scale and speed’ ng Ebola outbreak; 134 suspected deaths naitala

Dagdag pa niya, “We will be there to help great Cuban Americans who are thrown out of Cuba in many cases. Their family members were mutilated and killed by Castro.” 

“Cuba’s gonna be next,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, sa parehong panayam ng international media kay Trump, sinabi niyang wala raw problema para sa kaniya ang pagdadala ng langis ng Russia sa Cuba dahil kinakailangan umanong makaligtas ng mamamayan nito. 

Kasalukuyan kasing nahaharap sa matinding krisis sa kakulangan sa kuryente, langis, at mga nagdaang sakuna ang Cuba dahilan para maging limitado na lamang ang pagkonsumo nila ng kuryente. Dahil dito, sumiklab ang pagsasagawa ng protesta ng mga mamamayan ng Cuba dahil sa kinakaharap ng mga itong black out, kakulangan sa pagkain at inumin, at iba pa. 

“We have a tanker out there, we don’t mind having somebody get a boatload because they need it. They have to survive. It wouldn’t bother me,” saad niya. 

Aniya pa, “I told them if a country wants to send some oil to Cuba right now, I have no problem with it whether it’s Russia or not.” 

Diin ni Trump, tapos na umano ang Cuba dahil sa masamang rehimen at mga korap na namamahala dito at hindi raw problema sa kaniya na magdala ng langis ang sinomang bansa dito. 

“Cuba is finished. They have a bad regime, they have a corrupt leadership, and whether or not they get a boat of oil, it’s not going to matter. I’d prefer letting it in whether it’s Russia or anybody else because the people need heat and cooling and all of the other things,” pagtatapos pa niya. 

KAUGNAY NA BALITA: Trump, inintrigang ‘bakla’ si Iran SL Mojtaba Khamenei

KAUGNAY NA BALITA: 'Hit harder, unleash hell!' US, nagbabalang aatake nang mas matindi kung 'di susuko Iran!