Mariing pinabulaanan ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson Rear Admiral Jay Tarriela ang umano’y nakaplanong pakikipagkooperasyon nila sa China sa loob ng West Philippine Sea (WPS).
Ayon sa naging pahayag ni Tarriela sa kaniyang Facebook post nitong Sabado, Marso 21, 2026, nanindigan siyang wala pa raw direktiba ang PCG na makikiisa sila sa coast guard operation ng China, partikular sa joint patrols sa loob ng WPS.
“As far as the PCG is concerned, based on my last conversation with the Commandant, we are not involved in crafting this coast guard cooperation with China, specifically regarding plans for joint patrols,” saad ng PCG spox.
Screenshot mula sa FB post ni Tarriela.
Sa naturang balita kasing ibinahagi ni Tarriela, mabasang sinabi umano ni Chinese Embassy Ambassador Jing Quan sa Rotary Club of Manila noong Marso 19, 2026, na magkakaroon daw ng kolaborasyon ang PCG at China Coast Guard (CCG) upang magsulong ng environmental protection, pangongolekta ng basura, at search-and-rescue operation.
“[T]he two coast guards should collaborate on positive initiatives such as environmental protection, trash collection, and search-and-rescue operations,” ani Jing Quan.
Matapos nito, tila nanindigan din at kumatig ang netizens sa naging paninindigan ni Tarriela sa kaniyang pahayag.
Narito ang ilang komento ng mga tao sa nasabing post ni Tarriela:
“Sila reason Kaya may mutual defense treaty”
“We are with you REAR ADMIRAL Jay Tarriela!”
“Stand Tall and Stand Strong for the benefit of Filipinos, Justice and Truth and the Greater Good.”
“Huwag magtiwala sa China. Iba ang sinasabi sa ginagawa.”
“Looks like the Marcos government doesn’t trust the PCG commanders anymore.”
“Mukang ayaw mo talaga admiral”
“Mind conditioning and Staging everything. Put Zero trust on them. Never trust them”
“That's a diplomatic trap”
“BIG NO! THANK YOU! GAMITIN NILA YAN SA PROPAGANDA NILANG KASINUNGALINGAN! PANG UUTO SA MGA BAYARAN!”
MAKI-BALITA: 'Pinagdududahan mo legal na batayan, masahol ka pa sa hayop!'—PCG Spox Tarriela
MAKI-BALITA: Rear Admiral Tarriela, isiniwalat na nagbabayad ng Pinoy informants ang China!