April 10, 2026

Home BALITA National

Rear Admiral Tarriela, isiniwalat na nagbabayad ng Pinoy informants ang China!

Rear Admiral Tarriela, isiniwalat na nagbabayad ng Pinoy informants ang China!
Photo courtesy: PCG Spox Jay Tarriela (FB)

Isiniwalat sa publiko ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson Rear Admiral Jay Tarriela na napag-alaman umano nilang nagbabayad ang China sa ilang mga Pilipino kapalit ng mga sensitibong impormasyon ng bansa. 

Matatandaang nauna nang ihayag ni Tarriela sa naging panayam sa kaniya ng media, matapos ang naging pagpupulong ng National Security Council (NSC), nitong Biyernes, Marso 6, 2026,ang pagkaalarma niya sa umano’y mga sensistibong impormasyon na ipinadala at nakarating sa China.

Diin ni Tarrila, tila raw pinapatunayan ng insidenteng ito na gagawin ng lahat ng gobyerno ng China ang kanilang posibleng aksyon para maparupok ang pangnasyonal na seguridad ng bansa at mapahina ang posisyon ng Pilipinas sa WPS.

KAUGNAY NA BALITA: Rear Admiral Tarriela, naaalarma sa nakuhang 'sensitibong impormasyon' ng China!

Matapos nito, sinabi ni Tarriela sa publiko na malinaw naman daw na hindi aamin ang China, katulad na rin umano sa laging pagtanggi at ginagawa ng kanilang embahada.  

National

Usec. Castro sa 'good luck' ni VP Sara kay PBBM: 'An idle mind is the devil's playground'

“Of course they are not going to admit it. Marami namang dine-deny lagi ang Chinese Embassy,” pagsisimula niya. 

Ani Tarriela, ang mga “informant” na Pilipino ng China na rin mismo ang umamin sa kanila na binabayaran sila ng nasabing bansa kapalit ng sensitibong impormasyon at operasyon nila sa WPS. 

“The mere fact na all of these apprehended informants ng Chinese government admitted and cooperated that they are being paid in giving sensitive information at cost of our operation in the West Philippine Sea,” aniya. 

Pagpapatuloy ni Tarriela, hindi raw dapat ang Pilipinas ang kailangang takutin ng Chinese embassy na “mag-backfire” o gumanti sa kanila dahil ang mga ito raw ang nagbabayad pa sa mga Pilipino para makakuha ng sensitibong impormasyon. 

“I don’t think na masasabi nating tayo pa ba ang kailangang takutin ng Chinese embassy na mag-back-fire, e, sila nga ang nagbabayad sa ating mga kababayang Pilipino para magbigay ng impormasyon sa ating operation sa West Philippine Sea,” saad niya. 

“I think [the] Chinese embassy should be the one to be more cautious in giving such statements, considering that they are the ones p[paying] our fellow countrymen to spy on us and to provide those sensitive information,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na direktang tugon, pahayag, o reaksyon ang embahada ng China sa Pilipinas kaugnay sa mga nasabi ni Tarriela. 

Mc Vincent Mirabuna/Balita