May 12, 2026

Home BALITA National

PBBM sa pagsuspinde sa fuel excise tax: 'When the situation calls for it!'

PBBM sa pagsuspinde sa fuel excise tax: 'When the situation calls for it!'
Photo courtesy: PCO (FB)

Nilinaw ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na nakadepende raw sa tawag ng sitwasyon kung kailan maaaring bawasan o suspindehin ang excise tax sa langis. 

Sa paliwanag ng GMA News, ang excise tax ay isang indirect tax na ipinapataw sa sa produksyon, pagbebenta, o pagkonsumo ng mga partikular na produkto, maging local man ito o imported. 

Matatandaang inaprubahan ng House Ways and Means Committee noong Marso 10, 2026, ang isang panukalang pumapayag na masuspinde o mabawasan ni PBBM ang excise tax sa langis sanhi ng sigalot na nagaganap sa Middle East. 

Ayon naman sa naging panayam ng media kay PBBM sa Agora Market, San Juan City nitong Miyerkules, Marso 18, 2026, sinabi niyang nakadepende pa raw ang kaniyang desisyon sa sitwasyon dahil masyado pa raw itong komplikado. 

“It depends. Marami. It’s a very complicated calculation. We will see. Depends on the trends,” pagsisimula niya. 

National

VP Sara matapos ma-impeach sa Kamara: 'Araw-araw ako nagdarasal na maging maayos Pilipinas!'

Dagdag pa niya, “We just have to watch the trend of all prices. We just have to look. It's very hard to say because it is all speculation.” 

Anang Pangulo, hindi raw nila alam kung hanggang kailan tatagal ang sigalot sa Gitnang Silangan, hanggang saan pa ang magiging epekto nito sa bansa, at kung ano raw ang mangyayari sa Strait of Hormuz. 

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Bakit mahalaga ang ‘Strait of Hormuz’ sa bentahan ng langis ng mga bansa?

“We don’t know how long this will last for, we don’t know what the effects are. We don't know what will happen at the Strait of Hormuz. Right now, we are just adjusting to the situation,” aniya. 

Ani PBBM, makakapagdesisyon umano siyang bawasan o suspindihin ang fuel excise tax kapag iyon na ng kinakailangan sa sitwasyong kinakaharap ng Pilipinas. 

“When the situation calls for it then we will see when to exercise that power and how much by how much,” ‘ika niya. 

Pagtitiyak ng Pangulo, wala naman daw problema sa supply ng pagkain, petrolyo, at fertilizer para sa mga magsasaka kaya hindi raw kailangang mag-alala ng publiko. 

“Right now, we don't have a problem sa supply with food, we don’t have the problem sa supply with the petroleum products, including fertilizer for the farmers. That's our main concern,” saad niya. 

“So far, we've been able to keep everything at normal levels. Everything is normal. No need to worry,” pagtatapos pa niya. 

KAUGNAY NA BALITA: Palasyo sa apelang state of nat’l emergency: ‘PBBM, gobyerno still in control of the situation!’

KAUGNAY NA BALITA: PBBM, personal na sinimulan pamamahagi ng ₱5k cash relief assistance sa tricycle drivers