May 10, 2026

Home FEATURES

Balitang Ina: Totoo nga ba ang 'maternal instinct?'

Balitang Ina: Totoo nga ba ang 'maternal instinct?'
Photo courtesy: Unsplash


Ngayong Linggo, Mayo 10, ginugunita ang Araw ng mga Ina, bilang pagkilala at pagtugon sa walang-sawang pagmamahal at pag-alalay na handog nila sa kani-kanilang mga anak.

Kung pag-uusapan ang mga ina, nanay, ermat, o kung ano man ang katawagan sa kanila, isa sa mga palaging mapagdidiskusyunan ay ang usapin ukol sa pag-aalaga ng kanilang mga anak—mula sa mga panahong natututo pa lamang ang mga sanggol na bigkasin ang una nilang mga salita; mula sa panahong tinatahak pa ng mga ito ang una nilang hakbang; mula sa unang kaarawan, pagpasok sa eskuwelahan, at hanggang sa makapagtrabaho na—tila walang katapusang responsibilidad ang pagiging ina.

Ngunit saan nga ba nagmumula ang lahat ng ito?

Ayon sa isang artikulong mababasa sa Healthline, ito ay ang tinatawag na “maternal instinct.”

Batay sa artikulo, ang “maternal instinct” ay nagsisimula sa panahong maipanganak na ang sanggol mula sa sinapupunan ng ina.

Ani Healthline, ito raw ay ang panahong natututunan ng isang ina ang pag-aalaga ng isang sanggol base sa instructions, good role models, at obserbasyon sa ibang ina.

Base pa sa artikulo, may mga pag-aaral ding nagsasabi na mayroong mga babaeng hindi kaagad nararamdaman ang “affection” sa kanilang anak matapos itong iluwal. 

Mito nga ba ang ideya ng maternal instinct? 

Ayon sa ekspertong si Dr. Catherine Monk, “myth” daw ang maternal instinct.

Human-Interest

#BALITAnaw: ‘Kaka-kompyuter mo yan!’ Kailan unang nagamit ang computer sa Pilipinas?

“This ‘maternal instinct’ of a sixth sense for one’s child and what they need comes from intense closeness and deep love, spending hours with and thinking about the child,” saad ni Monk.

Giit pa niya, hindi raw nakabatay sa pagiging lalaki o pagiging babae ang pagkakaroon ng tamang kaalaman sa pag-aalaga ng anak.

Sinuportahan naman ito ng iba pang mga eksperto kung saan nilinaw nilang ang ilang kakayahan sa pag-aalaga ng sanggol—pagpapakain, pagpapalit ng diaper, pag-aalaga—ay hindi “instinct” ng isang tao, kung hindi ito ay natututunan sa gitna ng proseso.

“What we think of as maternal instinct is a myth, and perpetuating the idea that it is real is making parenting, and the choice to become one, even harder. So let go of those unrealistic expectations. Parenting is a challenge you learn as you go,” anang Healthline.