Nilinaw ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa nitong Martes, Mayo 12, na hindi na niya natanggap ang kaniyang suweldo sa anim na buwang pagliban sa mga session sa senado.
“Kinukwestyon n’yo palagi ang sweldo ko, nahiya na ko talaga. Wala sa bokabularyo ko ang makinabang sa pera ng gobyerno,” ani Dela Rosa sa kaniyang panayam sa media sa senado.
Nang tanungin kung paano niya nakukuha ang sweldo sa mga nagdaang buwan, ipinaliwanag ni Dela Rosa na noong mga unang buwan ay dinadayo ng kaniyang secretary ang sweldo niya sa senado ngunit sa mga sumunod na buwan, nahiya na rin daw ito kaya hindi na kinukuha.
“The past six months, hindi ko natanggap ang sweldo ko. Ang aking secretary, kinukuha ang sweldo, paano ko makuha eh wala ako dito. Pero nung later months na, hindi na niya kinukuha rin kasi nahiya na,” paliwanag ni Dela Rosa.
Sa nasabi ring panayam, binanggit ng Senador na sa loob ng anim na buwan, nakapag-Bible Study pa siya at naka-survive gamit ang kaniyang loan some money.
“Naka-enjoy ako ng six months by my loan some at naka-Bible Study ako nang husto for six months,” saad ni Dela Rosa.
Matatandaang emosyonal na dumating sa senado si Dela Rosa noong Lunes, Mayo 11, matapos siyang harangin umano ng National Bureau of Investigation (NBI) bago pumasok sa sesyon.
“Hinaharang 'di papasukin sa session. Noong ako'y absent, hinahanap ako ninyo, sumusweldo, hindi nagpapakita. Ngayon, papakita ako dito, hinarang ako. Ni-wrestling ako,” madamdaming saad ni Dela Rosa.
MAKI-BALITA: Lockdown, ipinatutupad sa Senado kasunod ng pagbulaga ni Sen. Bato
Pagdating naman ng gabi ng Mayo 11, kinumpirma ng International Criminal Court (ICC) ang arrest warrant laban sa Senador.
MAKI-BALITA: 'Legit!' ICC, kinumpirma arrest warrant laban kay Dela Rosa
KAUGNAY NA BALITA: 'Dream come true daw?' Netizens, binalikan dating post ni Sen. Bato Dela Rosa