May 15, 2026

Home BALITA National

'Dream come true daw?' Netizens, binalikan dating post ni Sen. Bato Dela Rosa

'Dream come true daw?' Netizens, binalikan dating post ni Sen. Bato Dela Rosa
Courtesy: Dhel Nazario (MB screenshot), ICC website

Binalikan ng mga netizen ang post noon ni Senador Ronald "Bato" dela Rosa tungkol sa panaginip niyang nagkaroon sila ng "tearful reunion" ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, na kasalukuyang nasa kustodiya ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands. 

Ito'y matapos ang muli niyang pagpapakita sa Senado nito lang Mayo 11, matapos ang anim na buwan na pagtatago nang mapabalitang mayroong arrest warrant ang ICC laban sa kaniya noong Nobyembre 2025. 

Nito ring Mayo 11, kinumpirma ng ICC ang arrest warrant laban sa senador.

Sa isang mensaheng ipinadala sa mga mamamahayag, sinabi ng ICC na inilabas nang kumpidensyal at “under seal” ng Pre-Trial Chamber I ang arrest warrant noong Nobyembre 6, 2025.

“The International Criminal Court confirms that the document published by national authorities of the Republic of the Philippines and circulated in media is indeed a formal ICC document,” saad ng tribunal

National

Brawner, pinagtanggol mga sundalo sa Senado; 'di raw nagpaputok ng baril!

“This arrest warrant against Mr Ronald Marapon Dela Rosa was issued confidentially, under seal, by Pre-Trial Chamber I of the ICC on 6 November 2025,” dagdag pa nito.

Maki-Balita: 'Legit!' ICC, kinumpirma arrest warrant laban kay Dela Rosa

Kaya naman, muling binalikan ng mga netizen ang post ni Dela Rosa noong Setyembre 1, 2025, tungkol sa panaginip niyang nagkaroon sila ng reunion ni Duterte.

"Last night I had a dream: Mayor Rody was granted house arrest. We had a tearful reunion. We hugged each other and he whispered to me. 'Ronald, I'm okey now.' Lord, pls make my dream come true," mababasa sa post. 

Courtesy: Ronald Bato Dela Rosa/FB

"UP!!! SEE YOU DAW SA THE HAGUEEEE!!! NAG MANIFEST KA TAPOS TATAKBUHAN MO NBI"

"Dreams do come true"

"NA-DREAM COME TRUEEE AY?"

"akalain mo yun, dreams do come true nga"

"Ngayon na matutupad na pangarap mo Ikaw naman ang ayaw?"

"Samahan mona tatay mo, ito na pagkakataon mo bato"

"ayunnnn dream come true"

"Ayun, malapit nang matupad ang pangarap mo"

"Naks magkikita na sila!"

"yieeee matutupad na ang iyong dream sa hague nga lang kayo magkikita."

"malapit na matupad ang wish nya"

Nitong Martes, Mayo 12, balik opisina muna si Dela Rosa matapos siyang gawaran ng protective custody. 

Si Dela Rosa ay minsan nang pinangalanan ng ICC bilang co-perpetrator ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapatupad ng naging madugong kampanya kontra droga.

Maki-Balita: ALAMIN: Kinalaman ni Sen. Bato bilang 'co-perpetrator' ni FPRRD sa war on drugs!