May 14, 2026

Home BALITA

'Legit!' ICC, kinumpirma arrest warrant laban kay Dela Rosa

'Legit!' ICC, kinumpirma arrest warrant laban kay Dela Rosa
file

Kinumpirma ng International Criminal Court (ICC) ang kumakalat na arrest warrant laban kay Senador Ronald "Bato" dela Rosa nitong Lunes ng gabi, Mayo 11, ay isang tunay na dokumento ng korte na inilabas ng tribunal.

Sa isang mensaheng ipinadala sa mga mamamahayag, sinabi ng ICC na inilabas nang kumpidensyal at “under seal” ng Pre-Trial Chamber I ang arrest warrant noong Nobyembre 6, 2025. 

“The International Criminal Court confirms that the document published by national authorities of the Republic of the Philippines and circulated in media is indeed a formal ICC document,” saad ng tribunal

“This arrest warrant against Mr Ronald Marapon Dela Rosa was issued confidentially, under seal, by Pre-Trial Chamber I of the ICC on 6 November 2025,” dagdag pa nito.

“The ICC is currently in the process of unsealing the warrant of arrest."

Politics

'God does not doubt me!' SP Cayetano, may talak sa bashers ng liderato niya

Ang kumpirmasyong ito ay dumating ilang araw matapos lumabas ang mga ulat na naglabas ng warrant ang ICC laban sa senador kaugnay sa imbestigasyon nito sa mga umano'y "crimes against humanity" na nauugnay sa kampanya kontra drog ng administrasyong Duterte. 

Nauna na ring kinuwestiyon ni Dela Rosa ang ulat tungkol sa warrant sinabing handa siyang harapin ang kaso kung sakaling magpatuloy ang ICC.

Gayunpaman, mula nang maiulat ang tungkol dito, hindi na siya dumalo sa anuman sesyon sa Senado noong Nobyembre 2025. 

Nitong Mayo 11 lamang siya muling nagpakita sa Senado sa panahong kumilos ang kaniyang mga kaalyado para patalsikin si Sen. Vincente "Tito" Sotto III bilang Senate President at palitan siya ni Sen. Alan Peter Cayetano. 

Sa pagdating ni Dela Rosa sa plenaryo, emosyonal niyang ibinahagi sa media na hinarang umano siya upang hindi makadalo sa sesyon ng Senado.

“Hinaharang 'di papasukin sa session. Noong ako'y absent, hinahanap ako ninyo, sumusweldo, hindi nagpapakita. Ngayon, papakita ako dito, hinarang ako. Ni-wrestling ako,” ani Dela Rosa sa media.

Maki-Balita: 'Hinarang ako!' Sen. Bato, galit na sumulpot sa Senado

 Kaugnay sa ICC, humiling ng proteksyon ang kampo ni Dela Rosa upang mapigilan umano ang lahat ng klase ng pag-aresto laban sa kaniya.

Ayon sa mga ulat, nitong Lunes din, Mayo 11, 2026, naghain ng mosyon si Atty. Insraelito Torreon sa Korte Suprema na kumukuwesityon sa subpoena na inilabas ng Criminal Investigation and Detention Group (CIDG) at arrest warrant ng International Criminal COurt (ICC).

Depensa ng kampo ni Dela Rosa, wala umano siyang karapatang arestuhin ng kahit na sino hangga't walang inlalabas na hatol at arrest warrant ang numang local court sa Pilipinas.

Maki-Balita: Sen. Bato, nagpasaklolo sa SC; humiling ng TRO para 'di siya maaresto!

Samantala, nagtungo sa Senado nito ring Mayo 11 si dating Senador Antonio Trillanes IV bitbit ang umano'y kopya ng ICC arrest warrant laban kay Dela Rosa.

Si Dela Rosa ay minsan nang pinangalanan ng ICC bilang co-perpetrator ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapatupad ng naging madugong kampanya kontra droga.

Maki-Balita: ALAMIN: Kinalaman ni Sen. Bato bilang 'co-perpetrator' ni FPRRD sa war on drugs!