Humiling na ng proteksyon sa Supreme Court (ICC) ang kampo ni Sen. Ronald "Bato" dela Rosa upang mapigilan umano ang lahat ng klase ng pag-aresto laban sa kaniya.
Ayon sa mga ulat, nitong Lunes din, Mayo 11, 2026, naghain ng mosyon si Atty. Insraelito Torreon sa Korte Suprema na kumukuwesityon sa subpoena na inilabas ng Criminal Investigation and Detention Group (CIDG) at arrest warrant ng International Criminal COurt (ICC).
Depensa ng kampo ni Dela Rosa, wala umano siyang karapatang arestuhin ng kahit na sino hangga't walang inlalabas na hatol at arrest warrant ang numang local court sa Pilipinas.
Matatandaang nitong Lunes din nang magbalik sa Senado si Dela Rosa kung saan tahasan niyang iginiit na hinarang siya ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa pagpasok niya sa Senado.
Kasunod nito, namataan naman si dating Sen. Antonio Trillanes IV bitbit ang aniya'y arrest warrant mula sa ICC.
Ayon sa kopyang ibinahagi ni Trillanes sa media, isang “secret” na arrest warrant ang inilabas umano ng ICC laban kay Dela Rosa.
Si Dela Rosa ay minsan nang pinangalanan ng ICC bilang co-perpetrator ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapatupad ng naging madugong kampanya kontra droga.
Maki-Balita: ALAMIN: Kinalaman ni Sen. Bato bilang 'co-perpetrator' ni FPRRD sa war on drugs!