May 21, 2026

Home BALITA

Lockdown, ipinatutupad sa Senado kasunod ng pagbulaga ni Sen. Bato

Lockdown, ipinatutupad sa Senado kasunod ng pagbulaga ni Sen. Bato
Photo courtesy: Mark Balmores/MB

Isinailalim na ng Senado ang kanilang pasilidad sa lockdown measures kasunod ng muling pagpapakita ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa plenaryo nitong Lunes, Mayo 11, 2026.

Nakapaligid din ang National Bureau of Investigation (NBI) sa loob at labas ng Senado at maging ilang bilang ng kapulisan malapit sa plenaryo kung nasaan si Dela Rosa.

Bagama’t hindi pa tukoy kung kanino nanggaling ang kautusang isailalim sa lockdown ang Senado, namataan naman si dating Sen. Antonio Trillanes IV sa loob ng nasabing institusyon bitbit ang arrest warrant umano mula sa International Criminal Court (ICC).

Matatandaang, emosyonal na dumating sa Senado si Dela Rosa matapos umano siyang harangin ng NBI na makadalo sa plenaryo nbayong araw.

“Hinaharang 'di papasukin sa session. Noong ako'y absent, hinahanap ako ninyo, sumusweldo, hindi nagpapakita. Ngayon, papakita ako dito, hinarang ako. Ni-wrestling ako,” ani Dela Rosa sa media.

'We will comply!' SILG Remulla, kikilos na sa pag-aresto kay Sen. Bato

Nang tanungin ng media kung bakit biglaang sumulpot si Dela Rosa sa Senado, pagdidiin niya, "This is the Senate! Wala silang respeto sa institusyon ng Senado!”

Hirit pa niya, “I am a senator of this Republic! Kung di ako papasok, hinahanap n'yo ako, ngayon papasok ako tatanungin n'yo ako bakit ako pumapasok.”

KAUGNAY NA BALITA: 'Hinarang ako!' Sen. Bato, galit na sumulpot sa Senado

Kabilang si Dela Rosa sa minorya at Duterte block na sumang-ayong iluklok si Sen. Alan Peter Cayetano bilang bagong Pangulo ng Senado—ilang oras bago naman ang inaasahang botohan ng House of Representatives upang ma-impeach si Vice President Sara Duterte. 

MAKI-BALITA: Cayetano sa mga kapuwa senador: 'Feel free to call me out!'