May 22, 2026

Home BALITA

Cayetano sa mga kapuwa senador: 'Feel free to call me out!'

Cayetano sa mga kapuwa senador: 'Feel free to call me out!'
Photo Courtesy: Screenshots from Senate of the PH (YT)

Nagpaabot ng mensahe si Senate President Alan Peter Cayetano para sa mga kapuwa niya senador matapos siyang manumpa bilang bagong luklok na Senate President.

Sa talumpati ni SP Cayetano sa sesyon ng Senado nitong Lunes, Mayo 11, pinagbalik-tanaw niya ang mga kapuwa senador dalawang dekada ang nakalilipas.

“Ngayon lang naman po tayo may division, e, dahil mabigat ang politika. Pero actually, we worked together,” saad ni Cayetano.

Pagpapatuloy niya, “Can we go back to twenty years from now and let me tell you what I told the group last night, no'ng nag-meeting kami. Basta lahat ng gagawin natin, huwag tayong magsisisi. Huwag tayong gagawa ng pagsisihan natin.”

“So feel free to call me out if you think mali ang direksyon. So dear colleagues, again, thank you and God bless you,” dugtong pa ng bagong Senate President.

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

Pinalitan ni Cayetano sa puwesto si dating Senate President Tito Sotto matapos ang matagumpay na kudeta sa Senado.