May 21, 2026

Home FEATURES Human-Interest

#BALITAnaw: ‘Kaka-kompyuter mo yan!’ Kailan unang nagamit ang computer sa Pilipinas?

#BALITAnaw: ‘Kaka-kompyuter mo yan!’ Kailan unang nagamit ang computer sa Pilipinas?
Photo courtesy: Pexels

Sa panahon kung saan patuloy na umuusad ang teknolohiya, lahat ng tao ay marunong gumamit ng computer, mapa-gen z man, millennial, o kaya’y boomer. 

Bukod pa rito, isa ang computer o digital literacy sa skill sets na hinahanap sa maraming industriya at opisina upang maayos na magampanan ang anumang trabaho at pamumuno. 

Bago pa man tuluyang maging hi-tech ang teknolohiya sa Pilipinas, unang nakilala ang International Business Machines (IBM) 650 sa bansa noong dekada 1950s, na unang ginamit ng National Economic Council para sa kanilang statistical computations. 

Dekada 1970s, unang ipinakilala ng University of the Philippines (UP) - Diliman ang kanilang computer science program. 

Sa mga taon ding ito, iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at mga pampribadong kompanya ang nagsimulang gumamit ng computers para sa kanilang mga gawaing administratibo. 

Human-Interest

‘Okay ka lang?’ Mga paraan upang ‘mangumusta’ sa kaibigan o katrabaho

Pagtungtong ng dekada 1980s, dito na sumikat ang personal computer (PC). 

Nasundan ito ng regulasyon ng sektor ng telecommunications at Information Technology (IT) sa bansa noong 1990 at pagkakatayo ng Philippine Internet Organization noong 1995 upang mas mapalawig ang internet connectivity sa buong bansa. 

Pagdating ng 2010s, dito na umusbong ang mobile applications at social media, na hanggang sa kasalukuyan, ay mas yumayabong pa, na bukod sa computers, ay accessible na rin sa hi-tech laptops, phones, at tablets. 

Ayon sa iba’t ibang pag-aaral, ang digital literacy ay itinuturing na “21st century skills” dahil bukod sa kasama rito ang kakayahan sa pagiging malikhain, collaboration, at critical thinking, ang mga tao ay hinihikayat rin ditong maging “adaptable” sa pabago-bagong lipunan. 

Sa pamamagitan pa ng digital literacy, binanggit sa mga pag-aaral na tiyak ang academic success ng mga mag-aaral at pagyabong ng tinatahak na career path. 

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, ‘di gumagamit ng laptop dahil hindi marunong sa computer?