Nilinaw sa publiko ni Vice President Sara Duterte na hindi raw siya marunong gumamit ng computer kaya imposible raw ang mga intrigang binato niya ng laptop ang kaniyang spokesman at defense counsel na si Atty. Michael Poa.
Nauna nang pabulaanan ng Bise Presidente sa naging pahayag niya noong Miyerkules (araw sa The Hague, Netherlands), Mayo 6, 2026, na nambato siya sa kaniyang mga abogado at kasamahan sa trabaho dahil sa inis niya sa pag-usad ng impeachment case laban sa kaniya.
“Never in the history, sa aking trabaho, nagtapon ako ng aking laptop sa isang colleague o sa isang empleyado or sa isang abogado,” aniya.
Dagdag pa niya, “Unang una, kapag nagtapon ka ng laptop o kapag nagtapon ka ng cellphone, wala siyang benefit sa iyo and syempre wala siyang benefit sa tatamaan ng laptop or cellphone.”
KAUGNAY NA BALITA: 'Baliw ako? Bobo ako?' VP Sara, pinabulaanan pagbato ng laptop kay Atty. Poa
Pagkukumpirma mismo ni VP Sara, hindi rin naman daw siya marunong gumamit ng laptop at inaasa lang daw siya sa kaniyang mga kasamahan sa opisina ang lahat ng mga dokumentong kailangan nilang gawin.
“Pangalawa, hindi ako gumagamit ng laptop kasi hindi ako marunong gumamit ng computer. Sa lahat ng mga documents, nere-rely ko lang ‘yan sa kasamahan sa opisina,” saad niya.
Paliwanag ng Bise, gumagamit lang daw siya ng laptop kapag may dadaluhan siyang pagpupulong sa Zoom para mas maganda ang kaniyang imahe.
“Minsan gumagamit ako ng laptop. Gamit ko ‘yon kapag may Zoom meeting para maganda ‘yong image sa Zoom meeting. Laptop ang ginagamit ko, hindi cellphone,” paglilinaw pa niya.
Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang mga lumalabas na ebidensya na nagpapatotoo sa kumalat na isyu tungkol sa pambabato niya ng laptop sa kaniyang abogado.
KAUGNAY NA BALITA: VP Sara kung ma-impeach: 'Yan ay sinulat na ng Diyos'
KAUGNAY NA BALITA: 'Baka doon siya mamatay:' VP Sara, tikom sa usaping impeachment kay FPRRD