May 21, 2026

Home BALITA National

PBBM, pinasususpinde fair hike sa DOTr dahil sa oil price hike!

PBBM, pinasususpinde fair hike sa DOTr dahil sa oil price hike!
Photo courtesy: PBBM (FB), File Photo

Ibinahagi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa publiko na nakita raw niya ang usapin sa taas-pasahe at agad niyang ipinag-utos sa Department of Transportation (DOTr) na suspindihin pansamantala ang implementasyon nito. 

Matatandaang kinumpirma ni DOTr Sec. Giovanni Lopez noong Martes, Marso 17, na inaprubahan na ang taas-pasahe na ₱1 sa mga traditional jeepney at ₱2 sa mga modern jeepney.

Base naman sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), magkakaroon ng ₱15 at karagdagang ₱2.49 para sa bawat susunod na kilometro fare hike para sa mga ordinary metro/city bus, habang pamasahe para sa unang limang kilometro ng ordinary provincial bus ay ₱12.  

Magkakaroon naman ng ₱40 dagdag-pamasahe sa airport taxis. Mula sa dating ₱75, magiging ₱115 na ang first 500 meters. 

Para naman sa transportation network vehicles services (TNVS), magkakaroon ng ₱20 dagdag-pamasahe sa lahat ng uri ng sasakyan.

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Magkano na nga ba ang pamasahe sa pampublikong transportasyon?

Ayon sa inilabas na video statement ng Pangulo sa kaniyang Facebook page nitong Miyerkules, Marso 18, 2026, sinabi niyang nabasa raw niya pagkagising nitong umaga ang mga usapin tungkol sa fare hike at napagdesisyunan daw niyang pansamantala munang suspindigin ang implementasyon nito. 

“Alam n’yo po paggising ko kaninang umaga, nakita ko ‘yong mga headline [sa balita] at ang pinag-uusapan ay ‘yong naaprubahang fare hike para sa ating mga nagpapasada,” pagsisimula niya. 

Dagdag pa niya, “Sa aking palagay, dahil nga, may problema pa rin tayo dahil sa giyera sa Middle East ay sabi ko, ‘Siguro hindi ito ang panahon para magtaas ng pamasahe para sa ating mga kababayan,’” 

Dahil dito, ipinag-utos daw niya sa DOTr na huwag munang ituloy ang taas-presyo ng pamasahe para sa taumbayan. 

“Kaya at inutos ko sa DOTr na suspindihin muna ang fare hike at i-differ muna natin ‘yan,” saad niya. 

Paglilinaw niya, “I-postponed na muna natin ‘yan dahil nasa gitna ngayon tayo nitong sitwasyon na ito na kailangang ay patuloy ang ating pag-alalay sa ating mga commuter, sa lahat ng ating mga manggagawa, mga estudyante, lahat ng gumagamit ng transport system.” 

Pagtitiyak ni PBBM, huwag daw mag-alala ang mga manggagawa sa sektor ng transport system dahil bibilisan at dadagdagan pa raw nila ang suporta para sa mga ito. 

“Huwag pong mag-alala ang ating mga transport workers dahil mamadaliin po namin, dadagdagan po namin ang suporta sa inyo. Para naman ay hindi kayo masyadong mahirapan,” pagtatapos pa niya. 

Matatandaang nakatakda sanang maimplementa ang taas-presyo sa pamasahe mula bukas, Huwebes, Marso 19, 2026. 

KAUGNAY NA BALITA:  'Aprub na!' Pamasahe sa traditional jeepney, tataas ng ₱1; ₱2 naman sa modern jeepney

KAUGNAY NA BALITA: Palasyo sa apelang state of nat’l emergency: ‘PBBM, gobyerno still in control of the situation!’