May 22, 2026

Home FEATURES

Mga bagay na mas mataas ang tsansang mangyari kumpara sa pagtama sa Lotto

Mga bagay na mas mataas ang tsansang mangyari kumpara sa pagtama sa Lotto
Photo courtesy: MB


Tumataya ka ba ng lotto?

Batay sa paniniwala ng iilan, isa na yata sa pinakamabilis na paraan upang magkaroon ng milyones ang isang Pinoy ay manalo siya sa lotto.

Pero gaano man ito kabilis, alam din ng lahat kung gaano ito kahirap!

Ano-ano nga ba ang mga bagay na mas may tsansa pang mangyari kumpara sa pagtama sa Lotto?

Ayon sa artikulong mababasa sa pahinang Save the Student, halos imposible ang manalo sa Lotto. Kung may posibilidad, hindi hamak na napakaliit nito. Maaaring ang tsansa ay pumatak sa 1 out of 45 million.

Narito ang mga bagay na anila’y mas posible pang mangyari kumpara sa pagkapanalo sa lotto.

Mai-date ang isang supermodel - 500 times na mas mataas ang tsansa kumpara sa lotto.

Maging santo - 20 million to one ang tsansa na ang isang indibidwal ay maging santo, mas mataas pa sa pagkapanalo sa lotto.

Mga Pagdiriwang

Tuklasin: Mga kulturang weirdo at kakaiba pero ipinagdiriwang pa rin sa mundo!

Tamaan ng kidlat - 1 out of 163,000 ang tsansa na matamaan ang isang tao ng kidlat, hindi hamak na mas mataas sa 45 milyon ng lotto.

Mapatay ng isang pating - Ang tala ng pagkamatay sa pating ay aabot sa tsansang 1 out of 28 million, mas mataas pa rin kumpara sa pagiging milyonaryo sa lotto.

Magkaroon ng “identical quadruplets” - ang tsansa nito ay papalo sa 1 out of 15 million, higit tatlong beses na mas mataas sa posibilidad ng million jackpot sa lotto draw.

Maging Olympic athlete - ang posibilidad nito ay aabot sa 1 out of 500,000—lubhang mas mangyayari pa ang magkaroon ng gold medal kumpara sa golden chances of winning sa lotto.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na mahirap naman talagang manalo sa Lotto—pero ang tunay na kayamanan ay hindi lamang nasusukat sa dami ng pera.

Para sa iba, ang kayamanan at hindi kayang lampasan ng milyones ay ang pagkakaroon ng maayos na pamilya, matatag na kalusugan, at pagkakaroon ng kapayapaan ng kaisipan.