Pumukaw sa atensyon ng netizens ang typographical error sa headline ng isang balita tungkol sa paglalagay nila ng salitang tumutungkol sa semilya ng lalaki sa halip na salitang “tanod.”
Ayon sa inilabas na ulat ng Laguna News sa kanilang Facebook page noong Miyerkules, Mayo 20, 2026, mababasang tinalakay nila ang tungkol sa isang barangay tanod sa Calauan, Laguna, na nagtamo ng sugat matapos na pagbabarilin ng riding in tandem.
“Sugatan ang isang barangay tanod matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang riding in tandem sa isang liblib na sitio sa Calauan, Laguna nitong Martes, May 19,” pagsisimula nila.
Dagdag pa nila, “Kasalukuyang nagpapagaling sa ospital ang biktima, habang patuloy namang pinaghahahanap ang mga nakatakas na suspek.”
Ngunit tila mas naintriga ang netizens dahil sa headline ng kanilang naturang balita.
As titulo kasi, mababasang “tamod” sa halip na “tanod” dapat ang nailagay sa pubmat editing ng naturang balita.
Screenshot sa naturang post ng Laguna News.
Dahil dito, tila hindi tuloy napigilang putaktihin at laruin ng netizens ang kanilang nabasang balita.
Narito ang ilang mga pabirong komento na iniwan ng mga tao sa naturang post: “
Edi talsikan yun!”
“Kmusta po editor neto ?? May trabaho pa po ba ?”
“Eh di LAGKITAN yun?”
“Ilang linggo kaya yan inipon bago nailabas??”
“So, amoy clorox yung crime scene?”
“You're hired now you're fired”
“Nagkaputukan pala, san ba? Sa labas o sa loob?”
“Nasugatan yung tamod?”
“sugatan ang what? Hahahahh”
Habang sinusulat ito, umano na sa mahigit 12.1K reactions at 7.7K shares ang naani ng naturang post habang hindi pa rin nila ito naayos at pinapalitan makalipas ang 22 na oras nang mailabas ang balita.