Dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktokng petrolyo, inanunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang taas-pasahe para sa mga pampublikong transportasyon sa bansa.
Matatandaang nauna nang sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Sec. Giovanni Lopez na layunin ng fare hike na panatilihin ang sustainability at stability sa transportasyon ng bansa, bunsod ng tumataas na presyo ng produktong petrolyo dahil sa patuloy na sigalot sa Middle Easte.
“Kami po, sa tingin namin, kailangan pa rin ‘yong fare hike,” pagsisimula niya, “Sabi ko nga, for sustainability and stability later on.”
Maki-Balita: Pamasahe, kailangan pa rin itaas!—DOTr
Ayon naman kay LTFRB hairperson Vigor Mendoza II, kinokonsidera rin ng kagawaran sa taas-pasahe, bukod sa mataas na presyo ng krudo, ay ang gastusin ng PUV operatiors sa spare parts ng sasakyan.
JEEPNEYS
Nitong Martes, Marso 17, kinumpirma ni Lopez na inaprubahan na taas-pasahe na ₱1 sa mga traditional jeepney at ₱2 sa mga modern jeepney.
Magiging ₱14 na ang minimum fare sa traditional jeepney at ₱17 naman sa mga modern jeepney.
Maki-Balita: 'Aprub na!' Pamasahe sa traditional jeepney, tataas ng ₱1; ₱2 naman sa modern jeepney
METRO/CITY BUS
Para sa mga ordinary metro/city bus, ang pamasahe para sa unang limang kilometro ay ₱15 at karagdagang ₱2.49 para sa bawat susunod na kilometro, ayon sa LTFRB.
Sa airconditioned bus naman, ang pamasahe para sa unang limang kilometro ay ₱18 at karagdagang ₱2.98 para sa bawat susunod na kilometro.
PROVINCIAL BUS
Ang pamasahe para sa unang limang kilometro ng ordinary provincial bus ay ₱12.
At para sa bawat sumusunod na kilometro, ang pamasahe ay may karagdagang:
₱2.20 para sa Ordinary Bus
₱2.45 para sa Airconditioned Bus
₱2.60 para se Deluxe Bus
₱2.70 para sa Super Deluxe Bus
₱3.35 para sa Luxury Bus
POINT-TO-POINT BUS
Ayon sa LTFRB, magkakaroon ng 15% na pagtaas batay sa kasalukuyang umiiral na pamasahe sa naturang ruta.
AIRPORT TAXIS
Magkakaroon ng ₱40 dagdag-pamasahe sa airport taxis. Mula sa dating ₱75, magiging ₱115 na ang first 500 meters.
TNVS
Para naman sa transportation network vehicles services (TNVS), magkakaroon ng ₱20 dagdag-pamasahe sa lahat ng uri ng sasakyan.
Sedan - Mula sa dating ₱45, magiging ₱65 na.
AUV/SUV - Mula sa dating ₱55, magiging ₱75 na.
Hatchback - Mula sa dating ₱35, magiging ₱55 na.
Premium - Mula sa dating ₱145, magiging ₱165 na.
Gayunpaman, mananatili pa ring ₱15 ang per-kilometer rate.
Samantala, may 20% discount sa pamasahe ang mga estudyante, senior citizen, at PWD.
Epektibo ang taas-pasahe sa Huwebes, Marso 19, 2026