April 10, 2026

Home BALITA National

'Aprub na!' Pamasahe sa traditional jeepney, tataas ng ₱1; ₱2 naman sa modern jeepney

'Aprub na!' Pamasahe sa traditional jeepney, tataas ng ₱1; ₱2 naman sa modern jeepney
MB FILE PHOTO

Kinumpirma ni Department of Transportation (DOTr) Sec. Giovanni Lopez ang permanenteng pagtaas ng pamasahe sa traditional at modern jeepney nitong Martes, Marso 17. 

Matatandaang nauna nang sinabi ni Lopez na layunin ng fare hike na panatilihin ang sustainability at stability sa transportasyon ng bansa, bunsod ng tumataas na presyo ng produktong petrolyo dahil sa patuloy na sigalot sa Middle Easte.

“Kami po, sa tingin namin, kailangan pa rin ‘yong fare hike,” pagsisimula niya, “Sabi ko nga, for sustainability and stability later on.” 

Maki-Balita: Pamasahe, kailangan pa rin itaas!—DOTr

Nitong Martes, inaprubahan na taas-pasahe na ₱1 sa mga traditional jeepney at ₱2 sa mga modern jeepney. 

National

Usec. Castro sa 'good luck' ni VP Sara kay PBBM: 'An idle mind is the devil's playground'

Magiging ₱14 na ang minimum fare sa traditional jeepney at ₱17 naman sa mga modern jeepney.

"Inaprubahan na po ng DOTr ang rekomendasyon ng LTFRB. Mamaya iaanunsyo na po 'yong fare hike," ani Lopez sa panayam sa media. 

"Para makapagbigay lang ako ng isang sitwayon at ehemplo pagdating po sa ating mga jeepney, traditional at modern. Pagdating po sa traditional jeepney, mayroon po silang increase of ₱1, gagawin na po natin 'yang permanent, magiging ₱14 na po for the first four kilometers," dagdag pa niya.

"Gano'n din po pagdating sa modern jeepney, ngayon po ay ₱15 sa kanilang first four kilometers ang base fare at madagdag din po tayo ng ₱2 so magiging ₱17 na po."

Ibababa naman ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Atty. Vigor Mendoza ang pamasahe sa ibang mode of transportation. 

Matatandaang noong 2023 ang huling pagtataas ng pamasahe sa mga jeepney.

Balikan: Minimum na pamasahe sa modern, traditional jeepneys tataas ng ₱1