May 22, 2026

Home FEATURES Mga Pagdiriwang

ALAMIN: Mga prutas na napagkakamalang gulay at mga gulay na napagkakamalang prutas

ALAMIN: Mga prutas na napagkakamalang gulay at mga gulay na napagkakamalang prutas
Photo courtesy: Unsplash

Maraming pagkain ang madalas nating napagkakamalang prutas o gulay dahil sa paraan ng paggamit natin sa mga ito sa pagluluto. Ngunit ayon sa botaniya, ang prutas ay nagmumula sa bulaklak ng halaman at may taglay na mga buto, habang ang gulay naman ay maaaring ugat, dahon, tangkay, o iba pang bahagi ng halaman. 

Kaya naman narito ang mga prutas at gulay na kalimitang napagbabaliktad ang pagkakakilanlan:

1. Tomato (Kamatis)

Isa ito sa pinakakilalang halimbawa ng prutas na itinuturing na gulay. Madalas itong ginagamit sa ulam, sawsawan, at ensalada kaya maraming nalilito. Ngunit dahil nagmumula ito sa bulaklak at may mga buto, isa itong prutas.

2. Cucumber (Pipino)

Karaniwang ginagamit sa ensalada at pampalamig na pagkain. Kahit hindi matamis, kabilang ito sa mga prutas dahil mayroon itong mga buto sa loob.

3. Eggplant (Talong)

Pangunahing sangkap ito sa tortang talong at pinakbet. Sa botaniya, isa itong berry o uri ng prutas.

Mga Pagdiriwang

Tuklasin: Mga kulturang weirdo at kakaiba pero ipinagdiriwang pa rin sa mundo!

4. Okra

Madalas na isinasahog sa sinigang at iba pang gulay dishes. Isa rin itong prutas dahil may mga buto ito at nagmumula sa bulaklak ng halaman.

5. Chili pepper (Sili)

Kahit ginagamit bilang pampalasa, maituturing itong prutas dahil sa taglay nitong mga buto.

6. Bitter melon (Ampalaya)

Karaniwang sangkap sa ginisang ampalaya at pinakbet. Isa rin itong prutas ayon sa siyensiya.

7. Bell pepper

May iba’t ibang kulay tulad ng pula, berde, at dilaw. Naglalaman ito ng maraming buto kaya kabilang sa mga prutas.

8. Squash (Kalabasa)

Bagama’t laging itinuturing na gulay sa mga ulam, isa itong prutas ayon sa botaniya.

9. Pumpkin

Tulad ng kalabasa, nagmumula rin ito sa bulaklak at may mga buto kaya maituturing na prutas.

10. Avocado

Hindi ito matamis kaya maraming nag-aakalang gulay ito. Ngunit isa talaga itong prutas ayon sa siyensya.

1.  Sweet potato (Kamote)

Dahil sa natural nitong tamis, minsan itong inaakalang prutas. Ngunit ito ay isang root vegetable.

2. Carrot 

Kilala sa matamis nitong lasa at madalas ginagamit sa desserts at juice, ngunit isa itong gulay.

4. Beetroot (Beets)

May natural na tamis at matingkad na kulay kaya minsang napagkakamalang prutas, ngunit ito ay halamang-ugat.

5. Potato (Patatas)

Bagama’t hindi karaniwang napagkakamalang prutas, kabilang ito sa mga gulay dahil ito ay tuber o halamang-ugat.

Kadalasang nakabatay sa lasa at gamit sa pagkain ang pagkilala natin sa prutas at gulay. Kapag matamis, iniisip nating prutas ito. Kapag kasama naman sa ulam, inaakala nating gulay. Ngunit sa siyensiya, nakabatay ito sa bahagi ng halaman kung saan nagmumula ang pagkain.