May 21, 2026

Home BALITA Metro

53-anyos na babae, namatay sa gitna ng AICS payout

53-anyos na babae, namatay sa gitna ng AICS payout
Photo courtesy: Unsplash


Pumanaw ang isang 53 taong gulang na babae sa gitna ng pagpila nito sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) payout, sa ilalim ng tanggapan ni Coun. Vito Sotto sa Risen Garden, Quezon City.

Batay sa pahayag na ibinahagi ng lokal na pamahalaan ng Quezon nitong Huwebes, Mayo 21, nauntog ang babae at nawalan ng malay sa kalagitnaan ng pila.

Mabilis na nakaresponde ang QC Disaster Risk Reduction and Management Office (QC DRRMO) response team, at agad na dinala ang babae sa East Avenue Medical Center ngunit makalipas ang ilang minuto, binawian din ito ng buhay.

Metro

73-anyos, patay sa gitna ng paghihintay para makabili ng murang bigas


Base sa kumpirmasyon ng QC government, nagpaabot na sila ng burial assistance para sa pamilya ng nasawi—kasabay ang paglakad sa bunsong anak nito upang maging bahagi ng scholarship program ng siyudad.

“Patuloy na nakikipag-ugnayan ang lokal na pamahalaan sa pamilya ng ginang upang alamin kung paano pa sila maaaring matulungan,” anang lokal na pamahalaan.

“Makakaasa ang bawat QCitizen na rerepasuhin ng lokal na pamahalaan ang pagpapatupad ng mga protocol, partikular sa usapin ng kaligtasan, sa lahat ng aktibidad isasagawa ng iba’t ibang organisasyon sa City Hall para matiyak na ito ay sapat para sa lahat,” pagtatapos nila.