May 21, 2026

Home BALITA

'We will comply!' SILG Remulla, kikilos na sa pag-aresto kay Sen. Bato

'We will comply!' SILG Remulla, kikilos na sa pag-aresto kay Sen. Bato
Photo courtesy: File photo

Iginiit ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla na handang sumunod ang kanilang ahensya sa pagpapatupad ng warrant of arrest na inilabas ng International Criminal Court (ICC)  laban kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.

“The DILG will adhere to its mandate. If the lawful authorities have given validity to the warrant then we will comply and enforce,” ayon kay Remulla.

Ang pahayag ng kalihim ay kasunod ng naging direktiba ng Department of Justice (DOJ) sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno na ipatupad ang warrant ng ICC at isagawa ang pag-aresto kay Dela Rosa.

MAKI-BALITA: Finding Bato? Sen. Dela Rosa, 'fugitive' na ayon kay DOJ Sec. Vida! 

Nauna rito, ibinasura ng Supreme Court (SC) ang petisyon ni Dela Rosa para sa temporary restraining order o TRO na layong pigilan ang pagpapatupad ng warrant laban sa kaniya.

Metro

53-anyos na babae, namatay sa gitna ng AICS payout

Dahil sa naging desisyon ng Korte Suprema, sinabi ng DOJ na wala nang legal na balakid upang hindi sundin ng mga law enforcement agencies ang kautusan ng ICC.

Ayon sa DOJ, obligasyon ng mga kinauukulang ahensiya na kumilos kapag kinilala bilang balido at maipapatupad ang isang warrant ng awtoridad.

Si Dela Rosa, na dating hepe ng Philippine National Police (PNP) at pangunahing tagapagpatupad ng kampanya kontra droga noong administrasyon ni dating pangulong Rodrigo Duterte, ay kabilang sa mga iniimbestigahan ng ICC kaugnay ng umano’y mga paglabag sa karapatang pantao sa panahon ng war on drugs.

MAKI-BALITA: PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

Samantala, patuloy namang naging sentro ng usapin sa Senado ang posibleng epekto ng ICC warrant laban kay Dela Rosa, kabilang na ang kaniyang partisipasyon sa mga pagdinig at sesyon ng Senado.

Sa ngayon, wala pang inilalabas na opisyal na pahayag si Dela Rosa kaugnay sa naging direktiba ng DOJ at sa pahayag ni Remulla tungkol sa pagpapatupad ng warrant.

MAKI-BALITA: DOJ, humiling na ng Red Notice sa Interpol vs Sen. Bato!