May 22, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Nikko, paldo sa masasakit na komento; pambayad ng kuryente, pang-full tank pa!

Nikko, paldo sa masasakit na komento; pambayad ng kuryente, pang-full tank pa!
Photo courtesy: Nikko Natividad (FB)

Nagpasalamat ang aktor at social media personality na si Nikko Natividad sa mga netizen na patuloy na nag-iiwan ng masasakit na komento sa kaniyang mga post, kasabay ng pag-amin na nagiging bahagi ito ng kaniyang pagkakakitaan.

Sa isang social media post, diretsahan niyang sinabi na hindi mag-turn off ng comment section dahil nakatutulong ito para sa "pambayad ng kuryente."

Inilakip nito Nikko sa post ang screenshot ng kinita ng kaniyang social media post sa Meta.

“Salamat po sa mga masasakit nyong comment don’t worry hindi ako mag off comment at pambayad din namin ng kuryente," aniya. 

Dagdag pa niya, hindi umano niya balak i-disable ang comment section dahil may pakinabang ito sa kaniya. Sayang daw kasi dahil pambayad din ng full tank para sa gasolina.

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

“Sayang naman kung mag off ng comment. Kailangan din pang full tank,” aniya.

Ibinahagi rin ni Natividad na may ilan pang screenshot ng mga komento na hindi na niya inilalabas sa publiko.

“Ayoko na ipost yung ibang screenshot kinocompute nyo kita eh. Mali yata na pinost ko to. Baka tumigil sila bigla,”* pabirong saad niya.

Matatandaang naging usap-usapan kamakailan ang kinasangkutang sex scandal ni Natividad.

Isa si Natividad sa apat na aktor na nasangkot sa video scandal kaya tinawag silang "Big Four."

Ilan pa sa mga kabilang sa Big Four ay sina Arron Villaflor, Gil Cuerva, at Ron Angeles. 

Maki-Balita: Ibang Big Four pala? Sex scandal umano nina Arron Villaflor, Ron Angeles, Gil Cuerva, Nikko Natividad pinagpiyestahan!

Nagbigay na ng kani-kanilang opisyal na pahayag patungkol dito sina Arron at Gil habang tahimik pa rin hanggang ngayon si Ron, bagama't may mga cryptic post siya matapos pag-usapan ang eskandalo.

Maki-Balita:  Gil Cuerva, nagsalita na tungkol sa umano'y sex scandal niya

Maki-Balita: 'Men can be victims also!' Arron Villaflor, naniniwalang may sindikato sa pagpapakalat ng bembang videos

Sa panayam kay Ogie Diaz, inamin ng aktor ang kaniyang pagkakamali kaugnay ng insidente.

Maki-Balita: 'Walang ibang rason!' Nikko Natividad umaming nademonyo, natukso kaya bumembang sa iba

Sa kabila nito, ibinahagi rin niya na napatawad na siya ng kaniyang asawa na si Cielo Eusebio, at patuloy silang humaharap sa isyu bilang mag-asawa.

Maki-Balita: Misis ni Nikko Natividad, nagsalita na: ‘Masakit na masakit!’

Maki-Balita: 'Hindi kaduwagan yung pinili ko!' Misis ni Nikko, sinupalpal mga apektado sa pagpapatawad niya sa asawa

Sa ngayon, tila ginagamit ni Natividad ang kontrobersiya bilang oportunidad upang kumita sa social media, habang nananatiling bukas ang kaniyang comment section sa publiko.