Binasag na ng aktor na si Gil Cuerva ang kaniyang katahimikan tungkol sa kumalat na umano'y maselang video niya.
Matatandaang naging usap-usapan ang ang tungkol sa mga kumakalat na umano'y magkakabukod na maselang video ni Gil, maging ng mga aktor na sina Arron Villaflor, Ron Angeles, at Nikko Natividad, na pinagpasa-pasahan na sa iba't ibang social media platforms.
Sa isang social media post nitong Huwebes, Marso 5, nagsalita na si Gil tungkol sa video scandal.
"Hey everyone. I just want to briefly address the issue that had circulated online over the past few days,. This will be the only time I speak about it, and I will not be commenting any further after this," paunang sabi ng aktor.
Paliwanag ni Gil, walang consent niya ang kumalat na video online. Binigyang-diin din niya na paglabag ito sa kaniyang privacy.
"The video being shared online was recorded without my knowledge or consent during a private moment. The use of hidden camera and the distribution of that recording are serious violation of my privacy and constitute a crime," anang aktor.
Nagpasalamat din siya sa kaniyang mga kaibigan, pamilya, at mga taong nagbigay ng suporta at dumipensa sa kaniya.
"That's all that really needs to be said. I'm okay, I'm fine, and life goes on."