May 22, 2026

Home BALITA

'Sino ba 'to?' Sen. Robin, may makahulugang post tungkol sa 'Tarat'

'Sino ba 'to?' Sen. Robin, may makahulugang post tungkol sa 'Tarat'
Courtesy: Robin Padila/FB

Isang makahulugang post ang ibinahagi ni Senador Robin Padilla na tungkol sa isang ibon na "Tarat."

"May Isang Tarat na dati ay nahawla, Ayaw na pakawalan ng umangkin sa kanya pero dahil may mga nakiusap para mapalaya ang tarat na ito,muli siyang nakabalik sa kanyang pugad," saad ni Padilla sa kaniyang Facebook post nitong Huwebes, Mayo 21.

"Kakaiba ang tarat na ito hindi na nga nagpasalamat, ngayon umaawit pa sa napakapangit na tono," ika pa niya.

Dahil tila makahulugan ang post niyang ito, hindi naiwasang mapatanong ng mga netizen kung may tao bang pinatutungkulan ang senador. 

Ang Tarat, ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR)-Central Luzon, ay kilala rin sa tawag na "Brown Shrike."

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

Ayon pa sa ahensya, base sa pananaliksik, ang salitang balbal na “taratitat” na tumutukoy sa isang taong madaldal ay nagmula umano sa pangalan ng ibong ito.

Ang brown shrike ay isang migratory bird o ibong mandarayo na dumarating sa Pilipinas tuwing Setyembre at umaalis pagsapit ng Mayo.

Matatagpuan ito sa iba’t ibang bahagi ng Gitnang Luzon, lalo na sa mga migratory corridor sa rehiyon.