April 13, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Men can be victims also!' Arron Villaflor, naniniwalang may sindikato sa pagpapakalat ng bembang videos

'Men can be victims also!' Arron Villaflor, naniniwalang may sindikato sa pagpapakalat ng bembang videos
Photo courtesy: Viva Films via PEP

Naniniwala ang aktor at Tarlac Provincial Board Member na si Arron Villaflor na may sindikato sa likod ng pagpapakalat ng intimate sex video niya gayundin ng iba pang mga aktor na nasangkot sa tinawag na "Big Four."

Nakapanayam si Arron ni TV5 showbiz news reporter MJ Marfori sa live guesting niya sa programang "One Balita Pilipinas" para i-promote ang pelikulang "Pater Noster" nitong Lunes, Marso 16, at dito ay nakumusta ang aktor-public servant pagkatapos pagpiyestahan ang kaniyang leaked video scandal.

Matatandaang naglabas na rin ng opisyal na pahayag si Arron tungkol sa isyu, at sinabing ipauubaya na niya sa usaping legal ang nabanggit na usapin.

Sa kaniyang opisyal na pahayag noong Marso 10, sinabi ni Arron na pormal niyang tinutugunan ang isyu hinggil sa umano’y ilegal na pagre-record at pagpapakalat ng pribadong video na kumakalat online.

Maki-Balita: Ibang Big Four pala? Sex scandal umano nina Arron Villaflor, Ron Angeles, Gil Cuerva, Nikko Natividad pinagpiyestahan!

Tsika at Intriga

Ogie Diaz, dinepensahan si Sarah Lahbati sa paglalako ng mga gamit

Ayon sa opisyal, ang nauna niyang pahayag noong Pebrero 27 ay tumutukoy lamang sa mga lumang film clips mula sa mga dati niyang proyekto bilang artista. Gayunman, iginiit niyang ibang usapin na ang mga bagong lumabas na umano’y pribadong video na ikinakalat ngayon sa internet.

“I am formally addressing the unauthorized recording and illegal distribution of private video materials that have been circulating online in recent days,” ani Villaflor sa kanyang pahayag.

Binigyang-diin ng board member na ang hindi awtorisadong pagre-record at pagpapakalat ng pribado at sensitibong nilalaman ay malinaw na paglabag sa Republic Act No. 9995, gayundin sa iba pang mga batas na naglalayong protektahan ang mga indibidwal laban sa digital abuse at paglabag sa privacy.

"The unauthorized recording and distribution of private and intimate content is a clear violation of Republic Act No. 9995 and other laws that protect individuals from digital abuse and violations of privacy," aniya.

Iginiit din niya na bilang isang mamamayan at lingkod-bayan, mariin niyang kinokondena ang paggamit sa pribadong nilalaman bilang sandata laban sa isang tao, pati na rin ang anumang uri ng digital violence.

"As both a citizen and a public servant, I strongly condemn the weaponization of private content and all forms of digital violence. No person deserves to have their dignity violated in this way," pahayag pa niya.

Ayon kay Villaflor, walang sinuman ang nararapat na malagay sa sitwasyong nalalabag ang kanilang dignidad sa ganitong paraan.

Kaugnay nito, sinabi ng opisyal na naiparating na ang usapin sa mga awtoridad upang maisagawa ang wastong imbestigasyon sa pinagmulan at pagpapakalat ng naturang video.

Dagdag pa niya, bilang paggalang sa proseso ng batas, iiwas muna siyang magbigay ng karagdagang komento habang isinasagawa ang imbestigasyon ng mga kinauukulan.

"The matter has now been formally referred to the authorities for proper investigation. Out of respect for the legal process, I will refrain from making further comments while the investigation is ongoing," aniya pa.

Maki-Balita: Nagpakalat, lagot! Arron Villaflor, nagsalita na tungkol sa sex video scandal

PAGKUMUSTA KAY ARRON MATAPOS ANG ISYU

Ayon kay Arron nitong Lunes, maayos naman daw siya at naniniwalang may sindikato sa likod ng pagpapakalat ng kanilang pribadong video. Napagtanto rin ng aktor na hindi lamang mga babae ang puwedeng maging biktima kundi maging mga lalaki rin.

"It turns out na it’s not only women who can become victims, men can be victims also," saad ni Arron.

Kailangan na raw mahinto ang nabanggit na gawain dahil pinagkakakitaan daw ito, at malinaw na paglabag sa batas patungkol sa unauthorized recording o distribution of private videos na paglabag sa Republic Act 9995.

Nagpapasalamat naman ang aktor-public servant sa kaniyang pamilya dahil naging sandigan niya sila sa pagsubok na kaniyang kinaharap.

Hindi naman nagbigay ng update si Arron kung tuluyan na ba siyang nagsampa ng kaso laban sa mga taong nasa likod ng pagpapakalat ng kaniyang intimate video.