April 16, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Nagpakalat, lagot! Arron Villaflor, nagsalita na tungkol sa sex video scandal

Nagpakalat, lagot! Arron Villaflor, nagsalita na tungkol sa sex video scandal
Photo courtesy: Arron Villaflor (IG)

Naglabas ng opisyal na pahayag si Tarlac Provincial Board Member at aktor na si Arron Villaflor kaugnay ng kumakalat umanong pribadong sex video scandal niya, na ibinebenta at pinagpipiyestahan sa social media nitong mga nakaraang araw.

Sa nabanggit na video, mapapanood umano si Villaflor habang may katalik na hindi lamang isa kundi dalawang babae.

Sa kaniyang opisyal na pahayag, na naka-post sa kaniyang Instagram account nitong Martes, Marso 10, sinabi ni Villaflor na pormal niyang tinutugunan ang isyu hinggil sa umano’y ilegal na pagre-record at pagpapakalat ng pribadong video na kumakalat online.

Ayon sa opisyal, ang nauna niyang pahayag noong Pebrero 27 ay tumutukoy lamang sa mga lumang film clips mula sa mga dati niyang proyekto bilang artista. Gayunman, iginiit niyang ibang usapin na ang mga bagong lumabas na umano’y pribadong video na ikinakalat ngayon sa internet.

“I am formally addressing the unauthorized recording and illegal distribution of private video materials that have been circulating online in recent days,” ani Villaflor sa kanyang pahayag.

Tsika at Intriga

Away-Kapamilya! ABS-CBN nagsalita sa isyu ng 'shut down,' alitan ng pamilya Lopez

Binigyang-diin ng board member na ang hindi awtorisadong pagre-record at pagpapakalat ng pribado at sensitibong nilalaman ay malinaw na paglabag sa Republic Act No. 9995, gayundin sa iba pang mga batas na naglalayong protektahan ang mga indibidwal laban sa digital abuse at paglabag sa privacy.

"The unauthorized recording and distribution of private and intimate content is a clear violation of Republic Act No. 9995 and other laws that protect individuals from digital abuse and violations of privacy," aniya.

Iginiit din niya na bilang isang mamamayan at lingkod-bayan, mariin niyang kinokondena ang paggamit sa pribadong nilalaman bilang sandata laban sa isang tao, pati na rin ang anumang uri ng digital violence.

"As both a citizen and a public servant, I strongly condemn the weaponization of private content and all forms of digital violence. No person deserves to have their dignity violated in this way," pahayag pa niya.

Ayon kay Villaflor, walang sinuman ang nararapat na malagay sa sitwasyong nalalabag ang kanilang dignidad sa ganitong paraan.

Kaugnay nito, sinabi ng opisyal na naiparating na ang usapin sa mga awtoridad upang maisagawa ang wastong imbestigasyon sa pinagmulan at pagpapakalat ng naturang video.

Dagdag pa niya, bilang paggalang sa proseso ng batas, iiwas muna siyang magbigay ng karagdagang komento habang isinasagawa ang imbestigasyon ng mga kinauukulan.

"The matter has now been formally referred to the authorities for proper investigation. Out of respect for the legal process, I will refrain from making further comments while the investigation is ongoing," aniya pa.

Mapapansin namang naka-turn off ang comment section nito.

Matatandaang kasama si Villaflor sa apat na aktor na pinagpiyestahan ang nabanggit na sex video.

Maki-Balita: Ibang Big Four pala? Sex scandal umano nina Arron Villaflor, Ron Angeles, Gil Cuerva, Nikko Natividad pinagpiyestahan!

Nagsalita na tungkol dito ang mga involved na sina Gil Cuerva at Nikko Natividad. Si Ron Angeles naman, wala pang opisyal na pahayag kaugnay nito.

Maki-Balita: Gil Cuerva, nagsalita na tungkol sa umano'y sex scandal niya

Maki-Balita: 'Relax lang kayo dyan!' post ni Ron Angeles, para ba sa mga nakapanood ng umano'y sex video niya?

Maki-Balita: Napanood na kasi! Nikko Natividad, inamin sa misis tungkol sa sex video dahil 'wala nang lusot'