Umani ng reaksiyon at komento ang mga inilabas na larawan ng Dreamscape Entertainment kung saan makikita ang karakter ni Coco Martin bilang "Tanggol" sa action series na "FPJ's Batang Quiapo" na mayor na sa lungsod ng Maynila.
Sa huling dalawang linggo ng serye, batay sa takbo ng kuwento ay naging alkalde na nga ng Maynila si Coco at naging "Mayor Tanggol" na.
Sa comment section, marami sa mga netizen ang nagsabing tila bagay raw kay Coco na maging mayor ng Maynila, o sa kabuuan, kapag pinasok niya ang mundo ng politika.
"Pag sa totoong buhay bagay talaga si Coco maging mayor"
"Yorme Isko left Manila."
"napalitan na pala si Isko"
"Wag na tayo magtaka sooner magiging mayor talaga sya like other celebrities"
"sana tumakbong president si COCO SA susunod,"
"bagay na bagay idol."
Samantala, inanunsyo naman ng ABS-CBN na madedelay lamang ang seryeng 'Sigabo" na pagbibidahan pa rin ni Coco Martin, katambal ang kaniyang real-life partner na si Julia Montes.
Maki-Balita: Bagong teleserye ni Coco, mauudlot; ililipat sa ibang petsa