May 21, 2026

Home FEATURES Human-Interest

ALAMIN: Kailangan bang araw-araw pinapaliguan ang buhok?

ALAMIN: Kailangan bang araw-araw pinapaliguan ang buhok?
Photo courtesy: Pexels

Kilala ang mga Pinoy sa maraming bagay, mula sa pagiging magiliw sa mga panauhin, mahusay na mang-aawit, hanggang sa pagkakaroon ng kakaibang sense of humor. 

Isa pa sa katangian ng mga Pinoy na kalimitang hindi napapansin ng mga ito ay ang pagiging malinis sa pangangatawan. 

Ayon sa inilabas na datos ng Seasia Stats noong Pebrero 2026, pang-apat ang Pilipinas sa mga bansa sa buong mundo na may pinakamaraming beses ng pagligo sa isang linggo, sa bilang na 11. 

Saad pa sa nasabing datos, ilan sa mga itinuturong dahilan ng bilang na ito ay ang tropikal na klima, mahabang oras ng biyahe sa pampublikong transportasyon, at pagbibigay ng importansya sa kalinisan. 

Dahil dito, isa sa mga tanong ng maraming Pinoy ay kailangan nga bang kasama ang buhok sa araw-araw na pagligo ng katawan? 

Human-Interest

‘Okay ka lang?’ Mga paraan upang ‘mangumusta’ sa kaibigan o katrabaho

Batay sa pag-aaral ng The Institute of Trichologists (IOT), habang hindi nakasasama ang araw-araw na pagbabasa ng buhok, inirerekomenda ritong paliguan ito ng every other day upang mas mapangalagaan ang kalusugan ng anit. 

Dahil ayon naman sa Healthline, para sa ilan, ang sobrang pagpapaligo sa buhok ay nagdudulot upang matanggal ang natural oils na inilalabas ng anit, na susi sa malusog at makintab na buhok. 

Saad pa rito, ang pagkawala ng oil na ito ay nagdudulot ng pagkatuyot at pagkapurol ng buhok na nagdudulot upang mas mahirap itong maayusan. 

Gayunman, batay sa American Academy of Dermatology Association (AAD), mahalagang tandaan na ang pagligo sa buhok ay dapat ibinabatay rin sa uri at tekstura ng buhok. 

Kung ang isang indibidwal ay may straight at oily scalp, mainam na paliguan ito at gamitan ng shampooo araw-araw.

Ngunit kung ang buhok ay dry, kulot, o kaya’y makapal, paliguan o gamitan ito ng shampoo kung kinakailangan lamang o kaya’y dalawa hanggang tatlong beses sa isang linggo. 

Ayon pa sa AAD, mahalagang gumamit ng naaayon na hair products para sa uri ng buhok, shampoo man ito, conditioner, oil, o kaya’y scalp moisturizer.