May 20, 2026

Home BALITA Metro

‘Passenger cooling room,’ mayroon na rin sa lahat ng LRT-2 stations simula Mayo 4

‘Passenger cooling room,’ mayroon na rin sa lahat ng LRT-2 stations simula Mayo 4
Photo courtesy: MB

Opisyal nang naglagay ng “passenger cooling room” ang pamunuang Light Rail Transit Authority (LRTA) sa lahat ng istasyon ng LRT Line 2 para sa kanilang mga pasahero. 

Batay sa anunsyo ng LRTA noong Biyernes, Mayo 1, ang nasabing passenger cooling room na bubuksan simula sa Lunes, Mayo 4, ay para sa mga pasaherong makararanas ng pagkahilo, sakit ng ulo, o anumang sama ng pakiramdam dulot ng matinding init. 

Kaya prayoridad rito ang senior citizens, persons with disabilities (PWDs), at mga buntis. 

Anila pa, ang passenger cooling room ay magbubukas mula 9:00 AM hanggang 4:00 PM. 

Bilang karagdagang abiso, ipinapaalala ng LRTA na 30 minuto hanggang isang oras ang itinakdang oras ng pananatili sa loob ng cooling room kada pasahero, at isang kasama lamang din ang papayagan para umasiste sa loob. 

Metro

Buwaya, nasagip sa Valenzuela!

Sa pamamagitan ng inisyatibang ito, layon ng LRTA na mapabuti ang kapakanan ng kanilang commuters sa pamamagitan ng pagbibigay ng agarang ginhawa sa kasagsagan ng dinaranas na matinding init sa buong bansa. 

Matatandaang nagbukas din ng air-conditioned waiting room ang LRT-1 sa Baclaran Station noon namang Abril. 

MAKI-BALITA: LRMC, ibinida kauna-unahang 'air-conditioned waiting room' sa Baclaran Station