April 13, 2026

Home SHOWBIZ Teleserye

Bagong teleserye ni Coco, mauudlot; ililipat sa ibang petsa

Bagong teleserye ni Coco, mauudlot; ililipat sa ibang petsa
Photo Courtesy: ABS-CBN (FB)

Pansamantalang maaantala ang pag-ere sa primetime ng bagong teleseryeng “Sigabo” ni Kapamilya star Coco Martin.

Ayon sa ibinabang anunsiyo ng ABS-CBN noong Martes, Marso 10, sinabi nilang ililipat sa ibang petsa ang nasabing teleserye ni Coco kung saan makakasama nito ang partner na si Julia Montes.

Matatandaang sa Marso 16 sana ang inisyal na petsa ng premiere nito.

Ito ay habang patuloy umanong gumugulong ang paghahanda para mas makapaghandog ng isang bago at kapana-panabik na teleserye sa mga tagasubaybay.

Samantala, pinasalamatan naman nila ang milyon-milyong Pilipino na sumuporta sa “FPJ’s Batang Quiapo.” mula nang umere ito noong 2023.

Teleserye

Max, bumisina kay Marian para sa romansahan nila ni Dingdong

Nakatakda na itong matapos sa darating na Biyernes, Marso 13.

Nauna nang kinumpirma ni Coco ang tungkol dito nang kapanayamin siya ni ABS-CBN showbiz reporter MJ Felipe noong Pebrero 20.

Kaugnay na Balita: ‘FPJ’s Batang Quiapo,’ magwawakas na!