Ngayong tag-init, tiyak kabi-kabila na naman ang ilang kabataang maririnig na umaaray at humihiyaw sa sakit dahil ng pagpapatuli.
Sa panahon kasi ng tag-araw, kalimitan ay bakasyon ng kabataan sa klase—kung kaya’t isa itong magandang panahon para magpatuli dahil mahaba ang panahon upang pagalingin ang sugat na dala nito.
Kamakailan lamang, naging usap-usapan ang isang circumcision session sa Mactan, Cebu kung saan dalawang lalaki, na may edad 26 at 27, ang nagpatuli.
Hindi lang ‘yan, nakatanggap din sila ng tig-₱10,000 dahil lamang sa pagpapatuli!
MAKI-BALITA: ‘EASY 10K!’ Mga tinuling 20-anyos pataas sa Cebu, binigyan ng cash incentive-Balita
Kasabay nito, pumuputok na rin ang curiosity sa isipan ng mga nagpapatuli, lalo na sa usaping pagpapamilya at pakikipagrelasyon.
Kaakibat din nito ang pagkamulat sa ilang paksang may kinalaman sa pakikipagniig.
Ngunit sa usaping sekswal at pakikipagniig, talaga nga bang mas ayos kapag tuli ang lalaki?
Batay sa isang artikulong mababasa sa Healthline, ilang ulat na ang nagsabi na may epekto umano ang pagpapatuli sa sexual sensitivity at pleasure ng isang lalaki.
“A 2020 review of 94 publications found that the underside of the penis shaft and the glans contain the neurological pathways associated with sexual sensation and pleasure. The authors also noted that some studies found that circumcision may improve sexual pleasure, sensitivity, and function,” mababasa sa Healthline.
Gayunpaman, may mga pag-aaral ding nanindigan na wala naman itong epekto sa usapin ng sexual pleasure at sensitivity.
“Similarly, a 2024 reviewTrusted Source found no proven effects on circumcision’s effects on sexual pleasure, function, and sensitivity,” anang artikulo.
“As such, more research is needed to fully understand how the presence or absence of the foreskin may affect sexual sensitivity,” dagdag pa nito.”
Sa usapin naman ng “lubrication,” hindi pa rin ganoon kalinaw na may epekto ang pagpapatuli sa “extra lubrication” ng manoy habang nakikipagbakbakan.
“A 2019 review found that some female partners reported slightly less vaginal lubrication after the male partner got circumcised,” anang Healthline.
Giit nito, “The Circumcision Resource Center also notes that the foreskin may help maintain lubrication due to the presence of smegma.”
“That said, there’s no conclusive evidence that being circumcised requires extra lubrication,” anito.
Gayong tuli o “pisot,” walang malinaw na ebidensya o pag-aaral na makapagsasabing talagang may epekto sa pakikipagniig ang tuling manoy o hindi.
Dahil dala ito ng kultura, tradisyon, at paniniwala, nasa tao pa rin ito kung siya ba ay magpapatuli o hindi, o kung paano niya huhubugin ang kaniyang husay sa kama.