Masayang sinalubong ng pagbati at cash incentives ang dalawang lalaking mula sa Mactan, Cebu, dahil lamang sa pagpapatuli.
Sa Facebook post ni Lapu-Lapu City Rep. Junard “Ahong” Chan nitong Martes, Abril 28, ibinahagi niyang tig-₱10,000 ang natanggap ng mga lalaking sina alyas “Mark” na 26 taong gulang at “John” na 27 taong gulang matapos ang pagtutuli sa kanila.
Ani Chan, ang nasabing ₱10,000 ay nagmula sa sarili nilang bulsa sa lungsod bilang motibasyon sa iba pang kalalakihan para magpatuli dahil ayaw nilang kalakhan ng mga ito ang bansag na “pisot.”
“Nagsilbi ni nato nga incentive para sa mga kalalakihan nga aduna gayuy saktong kadasig nga magpatuli. Di ta gusto nga magdako sila nga pirme sungogon nga 'pisot' ug mabutang sab sa ilang hunahuna kung unsa ka-importante ang magpatuli tungod sa health benefits niini.”(“Ito ay nagsisilbing insentibo para sa mga lalaking may tamang motibasyon na magpatuli. Ayaw nating lumaki silang laging tinatawag na 'pisot' at nasa isip nila kung gaano kahalaga ang pagpapatuli dahil sa mga benepisyo nito sa kalusugan,”) pagbati ni Chan.
Gayundin ang pagbibigay-halaga sa benepisyo ng pagpapatuli sa kalusugan dahil bukod sa nagsisilbi itong “rite of passage” sa mga nagbibinatang kalalakihan sa Pilipinas, ang pagtuli ay nagpapababa rin ng tiyansang magkaroon ng penile cancer na nagdudulot ng tira-tirang ihi sa balat ng ari na kalauna’y nagiging smegma o kupal.
MAKI-BALITA: Pagpapatuli, totoo bang nakakatangkad?
KAUGNAY NA BALITA: Pukpok o doktor? Ang tradisyon ng pagtutuli sa Pilipinas