Inaresto ng operatiba ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang 17 empleyado ng isang kompanya ng liquefied petroleum gas (LPG) sa Sta. Quiteria, Caloocan City nitong Sabado, Mayo 2.
Ito ay matapos ireklamo ang kompanya dahil sa umano'y ilegal na rebranding at refilling ng LPG.
Sa bisa ng search warrant, kasama ang representative ng Petron, nadiskubre ang umano'y pagre-rebrand at pagre-refill ng ilang basyo ng LPG.
Nasamsam ang 40 piraso ng LPG cylinders, Gasulette 2.7 Cylinders, 17 timbangan na may hose, dalawang piraso ng refilling hose.
Mahaharap sa kasong paglabag sa Section 40(c) ng Republic Act No. 11592 o LPG Industry Regulation Act ang mga suspek.