Pa-testi naman!
Muling nagbabalik ang “Original” social media platform ng maraming millennials na unang namayagpag noong 2000s.
Sa website ng Friendster, makikitang downloadable na ang kanilang platform sa Apple users sa pamamagitan ng iPhone app.
Narito ang features na ma-eenjoy ng millennials at ngayo’y Gen Zs sa 2026 version ng Friendster:
Friends only
Tiniyak ng Friendster na walang ipapakitang “suggested strangers” ang kanilang platform upang mapanatag ang kanilang users na magmumula sa totoong koneksyon ang kanilang network.
No ads. No algorithms
Sinigurado rin ng Friendster na walang anumang “rage farming” at “engagement bait” na makikita ang kanilang users sa platform.
No spam
Anila pa, wala ring bots na mangungulit o accounts na magpapadala ng spam DMs sa kanilang users.
Privacy-first
Panghuli, tiniyak nilang ligtas ang anumang datos na ibabahagi ng users dahil hindi nila ito ibebenta o ilalabas ng walang pahintulot.
Unang lumabas ang Friendster noong 2003 at nakilala dahil sa nauna nitong features sa online messaging, commenting, posting, at gaming, na nagamit ng marami sa paghahanap ng koneksyon sa ibang tao.
Gayunman, opisyal itong nagsara noong taong 2015.