Direktang binuweltahan ng aktres at “It’s Showtime” host na si Anne Curtis-Smith si Quezon City 4th District Rep. Bong Suntay na wala pa rin daw pinagkaiba ang “misogyny” o pagkamuhi sa kababaihan kahit na idaan pa man ito sa pabirong paraan.
Matatandaang kasing naging usap-usapan ang kontrobersyal na pahayag tungkol kay Anne ni Suntay sa gitna ng kaniyang manifestation sa pagdinig ng House Committee on Justice kaugnay ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
“Minsan nasa Shangri-La ako, nakita ko si Anne Curtis. Ang ganda-ganda pala niya. You know, may desire sa loob ko na nag-init talaga, at na-imagine ko na lang kung ano ang puwedeng mangyari. Pero siyempre hanggang imagination lang ’yon,” ani Suntay sa pagdinig.
KAUGNAY NA BALITA: 'May desire sa loob ko na nag-init talaga!' Pahayag ng solon tungkol kay Anne Curtis sinita, pinatanggal sa house records
Ayon naman sa opisyal na pahayag na inilabas ni Anne sa kaniyang Facebook post nitong Sabado, Marso 7, 2026, diniin niyang hindi raw siya maglalaan ng maraming panahon para kay Suntay.
“Mr. Suntay, I won't spend much time on you,” pagsisimula niya.
Paglilinaw ng akters, “Not because what you did was small, but because this was never really about you.”
Photo courtesy: Anne Curtis (FB)
Ani Anne, naging mukha raw si Suntay dahil sa inasal nito ng mas malaki pang kultura sa lipunan na nag-iisip na katanggap-tanggap ang magsalita ng hindi kaaya-ayang paksa tungkol sa kababaihan.
“Since you used me as an example, let me use you as one too. You've become the poster boy of something much bigger: a culture that still thinks it's acceptable to talk about women this way,” aniya.
“Worse, one that tolerates it from our leaders,” buwelta niya.
Pagpapatuloy ni Anne, nananatili pa rin daw “misogyny” ang isang “misogyny” kahit idaan pa ito sa pabirong paraan.
“As they say, misogyny dressed up as a joke is still misogyny,” saad niya.
Anang aktres, binabayaran umano ng taxpayers na kababaihan at niya mismo ang mambabatas na si Suntay, huwag daw sana nito silang gamitin sa kaniyang mga pahayag.
“You hold a seat paid for by taxpayers. Women are taxpayers. I am a taxpayer. We are not props in your commentary,” pagtatapos niya.
Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na pahayag, tugon, o reaksyon si Suntay kaugnay rito.
KAUGNAY NA BALITA: Sorry ng misis, aprub: Anne Curtis, hindi tinanggap sorry ni Rep. Bong Suntay!
KAUGNAY NA BALITA: Kampo ni Anne Curtis kay Rep. Bong Suntay: 'Women deserve respect—everywhere!'
Mc Vincent Mirabuna/Balita