March 08, 2026

Home BALITA National

Atty. Topacio, inaming pinagnasaan nang maamoy noon si Rep. Sarah Elago!

Atty. Topacio, inaming pinagnasaan nang maamoy noon si Rep. Sarah Elago!
Photo courtesy: DWIZ News (YT), Rep. Sarah Elago (X)

Inamin at ibinahagi mismo ng abogadong si Atty. Ferdinand “Ferdie” Topacio sa publiko ang minsan naging pagnanasa umano niya nang maamoy si Gabriela Women’s Partylist Rep. Sarah Elago noon. 

Bago nito, matatandaang matatandaang nauna na ring maghayag ni Topacio sa kaniyang programang “Yes… Yes… Yo! Topacio” ng DWIZ News noong Huwebes, Marso 5, 2026, ng kaniyang tila pagkampi sa naging pahayag kamakailan ni Quezon City 4th District Rep. Bong Suntay tungkol sa artista at “It’s Showtime” host na si Anne Curtis-Smith.

KAUGNAY NA BALITA: Atty. Topacio kinatigan si Suntay: 'May nakita kang babae na gusto mong halayin, 'di kasalanan 'yon!'

Matapos nito, isinaad din ni Topacio noong ding Huwebes ang pangyayari noon nang maamoy at pagnasaan umano niya noon si Elago sa pagdinig nila sa Department of Justice (DOJ). 

Ani Topacio, wala raw siyang pakialam kung magagalit ang publiko o ang mga tagapakinig niya sa kaniyang programa hinggil sa pagkukuwento niyang ito. 

National

De Lima, binasag 'makikitid' na pananaw, pagtingin sa kababaihan

“Ako dati, pinagnasahan ko rin si Sarah Elago, e. Naamoy ko noong hearing namin sa DOJ,” aniya. 

Dagdag niya, “Magalit na kayo kung magagalit kayo sa akin. I don’t care. Kasi talagang ako, suklam na suklam sa hypocrisy, kaplastikan. Kasi I always say what I mean and I mean what I say.” 

Hinggil ito sa pagtuligsa ni Topacio kay Elago tungkol sa umano’y pananahimik at hipokrita raw nito sa pagre-recruit daw noon ng Kabataan Partylist, na dating pinamunuan ng mambabatas, sa mga kababaihan at mahalay diumano ang mga ito sa bundok. 

“‘Yong mga nire-recruit ng Kabataan Partylist na na-rape, Sarah Elago, anong sinabi mo? May sinabi ka ba? Wala Napakalaking hipokrito niyang si Sarah Elago,” buwelta ni Topacio. 

Pagkukuwento pa niya, “‘Yong complaint namin kay… sa Lucena, ini-empower n’yo pagre-recruit ng mga babae. Inaabuso doon sa bulubundukin. Wala kayong sinasabi. ‘Yan ang sinasabi kong punumpuno ng hipokrito ang House of Representatives.” 

Depensa naman ni Topacio kay Suntay, talaga naman daw nagnanasa ang kalalakihan sa kababaihan at huwag na raw silang magplastikan. 

“Inimagine lang, sinabi lang kasi. For relevant ‘yon, Sarah Elago. Kasi ang sinasabi ni Congressman Suntay, no one should be called to account legally or criminally for what he is thinking,” ‘ika niya. 

“Lalaki ‘yan. Huwag na tayong magplastikan. Ang mga lalaki, nagnanasa ‘yan talaga. We are wired for that. Let’s not be hypocrites,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, naglabas naman ng reaksyon at pahayag si Elago nitong Biyernes, Marso 6, 2026, kaugnay rito at sinabi niyang hindi niya palalampasin ang mga nasabi ni Topacio. 

“Hindi natin ito palalagpasin. Kailangan nating panagutin. Walang puwang sa lipunang naghahangad ng tunay na pagbabago ang ganitong kaisipan at pag-uugali,” diin ni Elago. 

KAUGNAY NA BALITA: Atty. Topacio bumanat kay Jasmine: 'Ba't ka nagpo-post ng bikini pictures, 'di ba para pagnasahan?'

KAUGNAY NA BALITA: 'Dugyot ka!' Jasmine Curtis, nainis sa mga sinabi ni Atty. Ferdie Topacio sa bikini pics niya

Mc Vincent Mirabuna/Balita