April 16, 2026

Home BALITA National

Atty. Topacio bumanat kay Jasmine: 'Ba't ka nagpo-post ng bikini pictures, 'di ba para pagnasahan?'

Atty. Topacio bumanat kay Jasmine: 'Ba't ka nagpo-post ng bikini pictures, 'di ba para pagnasahan?'
Photo courtesy: DWIZ (YT), Jasmine Curtis (FB)

Pinatutsadahan ni Atty. Ferdinand “Ferdie” Topacio ang aktres na si Jasmine Curtis-Smith kaugnay sa umano’y reaksyon nito sa naging pahayag ni Quezon City 4th District Rep. Bong Suntay tungkol sa kapatid nitong si Anne Curtis.

KAUGNAY NA BALITA: 'May desire sa loob ko na nag-init talaga!' Pahayag ng solon tungkol kay Anne Curtis sinita, pinatanggal sa house records

Bago nito, nauna nang katigan ni Topacio ang mga nasabi ni Suntay sa manifestation niya sa gitna ng pagdinig ng House Committee on Justice sa impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte noong Martes, Marso 3, 2026. 

“Yong iniisip mo, hindi ka puwedeng—hindi criminal offense. Kahit anong sama ng iniisip mo, may nakita kang babae na gusto mong gahasain, gusto mong halayin, gusto mong daklutin (ano na, harapan na), hindi kasalanan ‘yon!” depensa ni Topacio kay Suntay. 

MAKI-BALITA: Atty. Topacio kinatigan si Suntay: 'May nakita kang babae na gusto mong halayin, 'di kasalanan 'yon!'

National

Libreng sakay para sa solo parents, aarangkada hanggang Abril 18

Matapos ng naunang pahayag ni Topacio, sa programa niyang “Yes… Yes… Yo! Topacio” ng DWIZ News noong Huwebes, Marso 5, 2026, bumaling ang kaniyang pagpuntirya kay Jasmine. 

“‘Yong kapatid, bumanat pa. Si Jasmine Curtis na parang binabastos daw ‘yong kapatid niya, hindi raw tama,” pagsisimula niya. 

Kuwestiyon ni Topacio, nagpo-post daw ang mga artistang kagaya ni Jasmine ng larawang naka-bikini sa social media hindi ba raw upang pagnasahan at sumikat ang mga ito. 

“Kayong mga artista, mga ganyan, ikaw, Jasmine, bakit ka nagpo-post ng bikini pictures mo sa social media, sa mga pahayagan—hindi ba para ikaw ay pagnasahan, para ikaw ay sumikat?” buwelta niya. 

Dagdag niya, “Huwag mong sabihing art ‘yon! Huwag mo sabihing  ini-endorsro mo ‘yong brand ng bikini o ‘yong resort. Hindi kami mga ungas dito para maniwala sa ‘yo.” 

Ani Topacio, pinagnanasahan umano ng mga lalaki ang mga artistang kagaya ni Ivana Alawi dahil maganda at sexy ang mga ito. 

“‘Yong mga artista diyan, sina Ivana Alawi, bakit sila nagpo-post, ‘di ba para [sa] views? Bakit sila tinitingnan? Magandang babae, sexy, pinagnanasahan ng mga lalaki. Straight talk,” saad niya. 

“Puro tayo plastikan dito, e. ‘Yan ang hirap sa mga Pilipino, puro plastic, e,” diin pa niya. 

Pagpapatuloy ng abogado, kasama raw sa intensyong maging “attractive” ng mga artistang kagaya ni Jasmine kaya nagbabahagi ang mga ito ng larawang naka-bikini sa social media o sa publiko. 

“Hindi ba dapat kaya gusto n’yo, nagpo-post kayo ng bikini, nagpapaganda kayo, sexy, etc., mga role n’yo sexy, hindi ‘di ba para maging attractive kayo?” tanong niya. 

“Huwag kayo naggagaganiyan. Ano ‘yon, type n’yo lang?” pagtatapos pa niya. 

Samantala, naglabas din agad ng reaksyon si Jasmine sa story niya sa kaniyang social media accounts, partikular sa Facebook, noon ding Huwebes tungkol sa mga nasabi ni Topacio. 

Reaksyon ni Jasmine, “YOWWWWW WHAT THE ACTUAL ????? WHAT THE!!!! DUGYOT KA!”

KAUGNAY NA BALITA: Rep. Bong Suntay, nag-sorry kay Anne Curtis: ‘There was no malice intended!’

KAUGNAY NA BALITA: 'Disgusting!' Jasmine Curtis, uminit ang ulo at dugo kay Rep. Suntay

Mc Vincent Mirabuna/Balita