April 10, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Dugyot ka!' Jasmine Curtis, nainis sa mga sinabi ni Atty. Ferdie Topacio sa bikini pics niya

'Dugyot ka!' Jasmine Curtis, nainis sa mga sinabi ni Atty. Ferdie Topacio sa bikini pics niya
Photo courtesy: Jasmine Curtis-Smith (FB), DWIZ News (YT)

Tila nainis at direktang sinabing dugyot ng aktres na si Jasmine Curtis-Smith si Atty. Ferdinand “Ferdie” Topacio dahil sa mga naging pahayag nito tungkol sa pagpo-post niya ng bikini pictures sa social media. 

Matatandaang pinatutsadahan ni Topacio si Jasmine sa programa niya “Yes… Yes… Yo! Topacio” ng DWIZ News noong Huwebes, Marso 5, 2026, kaugnay sa umano’y reaksyon nito sa naging pahayag ni Quezon City 4th District Rep. Bong Suntay tungkol sa kapatid nitong si Anne Curtis.

“Kayong mga artista, mga ganyan, ikaw, Jasmine, bakit ka nagpo-post ng bikini pictures mo sa social media, sa mga pahayagan—hindi ba para ikaw ay pagnasahan, para ikaw ay sumikat?” ani Topacio. 

KAUGNAY NA BALITA: Atty. Topacio bumanat kay Jasmine: 'Ba't ka nagpo-post ng bikini pictures, 'di ba para pagnasahan?'

Matapos nito, nagawang ibahagi ni Jasmine sa kaniyang Facebook story noon ding Huwebes ang clip sa naturang programa ni Topacio at sinabihan niya itong “dugyot.” 

Tsika at Intriga

Sey mo Dominic? Selfie nina Rico, Sue minalisya!

“YOWWWWW WHAT THE ACTUAL ????? WHAT THE!!!! DUGYOT KA!” sagot ni Jasmine. 

Photo courtesy: Jasmine Curtis-Smith (FB)

Screenshot mula sa FB story ni Jasmine. 

Bukod dito, tila nagawa ring kampihan ni Topacio ang naging pahayag kamakailan ni Quezon City 4th District Rep. Bong Suntay tungkol sa kapatid niyang “It’s Showtime” host na si Anne Curtis-Smith.

“‘Yong iniisip mo, hindi ka puwedeng—hindi criminal offense. Kahit anong sama ng iniisip mo, may nakita kang babae na gusto mong gahasain, gusto mong halayin, gusto mong daklutin (ano na, harapan na), hindi kasalanan ‘yon!” depensa ni Topacio kay Suntay. 

Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na bagong tugon, reaksyon, o pahayag si Topacio kaugnay sa naging sagot ni Jasmine sa kaniya. 

KAUGNAY NA BALITA: Rep. Bong Suntay, nag-sorry kay Anne Curtis: ‘There was no malice intended!’

KAUGNAY NA BALITA: 'Disgusting!' Jasmine Curtis, uminit ang ulo at dugo kay Rep. Suntay

Mc Vincent Mirabuna/Balita