Kumambyo ang aktres na si Jasmine Curtis-Smith sa pagkakadawit niya sa dalawang batikang mamamahayag na sina Manny Mogato at Ed Lingao.
KAUGNAY NA BALITA: 'May desire sa loob ko na nag-init talaga!' Pahayag ng solon tungkol kay Anne Curtis sinita, pinatanggal sa house records
Matatandaang kasing nadamay sa galit ni Jasmine ang nasabing mga batikang mamamahayag dahil sa pambabastos umano ni Quezon City 4th district Rep. Bong Suntay sa kapatid niyang si “It’s Showtime” host Anne Curtis.
“BAKIT TUMATAWA UNG MGA LALAKING HOSTS SA PAGTATANONG NILA?????? WALA KAYONG INIBA KAY BONG SUNTAY,” saad ni Jasmine sa kaniya “X” post noong Martes, Marso 3, 2026.
KAUGNAY NA BALITA: ‘Wala kayong iniba kay Bong Suntay!’ Journalists, nadamay sa galit ni Jasmine Curtis
Matapos nito, muling nag-post si Jasmine sa kaniyang “X” account nitong Huwebes, Marso 5, 2026, kung saan sinabi ng aktres na pinagsisisihan daw niya ang naging paghahalintulad niya sa mga mamamahayag kay Suntay.
Aniya, masyado raw naging labis ang kaniyang pahayag at dala lamang daw iyon ng “frustration.”
“I regret likening the hosts to Bong Suntay, that was too strong and said in frustration,” pagsisimula niya.
Giit naman ni Jasmine, titindig pa rin daw siya sa punto niyang walang lugar ang tawanan sa ganoong klaseng diskusyon na kanilang isinagawa tungkol sa panliliit sa kababaihan.
“I still stand by the point that laughter has no place in a discussion about remarks that diminish women. This is a long-standing issue that generations of women have had to confront, and it deserves to be treated with seriousness,” diin niya.
“I hope the conversation continues to focus on the remark itself and why comments that disrespect women should be called out clearly,” pagtatapos ni Jasmine.
KAUGNAY NA BALITA: 'Disgusting!' Jasmine Curtis, uminit ang ulo at dugo kay Rep. Suntay
KAUGNAY NA BALITA: Jasmine Curtis sa pahayag Rep. Suntay: 'It's not about one female celebrity. It's about all women!'
Mc Vincent Mirabuna/Balita