April 17, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Jasmine Curtis sa pahayag Rep. Suntay: 'It's not about one female celebrity. It's about all women!'

Jasmine Curtis sa pahayag Rep. Suntay: 'It's not about one female celebrity. It's about all women!'
Photo courtesy: Jasmine Curtis-Smith (FB), HOR (YT)

Muling naglabas ng kaniyang pahayag sa publiko ang aktres na si Jasmine Curtis-Smith patungkol sa naging pahayag ni 4th District Quezon City Rep. Bong Suntay sa kaniyang kapatid na aktres at TV host na si Anne Curtis at sa kahalagahan ng pamahalaan bilang maging ligtas na espasyo para sa lahat ng kababaihan. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Disgusting!' Jasmine Curtis, uminit ang ulo at dugo kay Rep. Suntay

Ayon sa bagong pahayag ni Jasmine sa kaniyang social media accounts, partikular sa Facebook, nitong Miyerkules, Marso 4, 2026, idiniin niya ang kasalukuyang pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan (Women’s Month) bilang pagpapahalaga sa kontribusyon nila sa lipunang pinaghaharian o dinodomina umano ng kalalakihan. 

“This moment is not about one female celebrity. It is about how ALL WOMEN, regardless of profession, continue to be reduced to bodies in spaces dominated by men in power,” pagsisimula niya. 

Photo courtesy: Jasmine Curtis-Smith (FB)

Screenshot mula sa FB post ni Jasmine. 

Tsika at Intriga

Music label ni Hev Abi, pinabulaanan mga alegasyon laban sa rapper

Buwelta ni Jasmine, nakapagsusulong umano ng kulturang itinuturing na bagay, pantasya, o ginagamit lang ang kababaihan dahil sa paghahayag ng isang mambabatas sa “desire” o pagnanasa niya sa isang babae na nakita lang niya. 

“When a congressman publicly narrates his “desire” and imagination about a woman he once saw (or dreams he saw, idk his statements keep changing), it reinforces a culture that treats women as consumable, as spectacle, as fantasy, as objects for commentary rather than as whole human beings with agency, intellect, and autonomy,” diin niya. 

KAUGNAY NA BALITA: 'May desire sa loob ko na nag-init talaga!' Pahayag ng solon tungkol kay Anne Curtis sinita, pinatanggal sa house records

Ani Jasmine, may tungkulin daw ang pamahalaan na pag-usapan ang mga kontribusyon, ideya, at pamumuno ng kababaihan, sa halip na ibahagi raw nila ang kanilang tila hindi kaaya-ayang imahinasyon. 

“Public office carries with it the responsibility to elevate discourse, not diminish it. The halls of government should be spaces where women are discussed for their contributions, their ideas, and their leadership — not as imagined scenarios,” aniya. 

Pagpapatuloy ng aktres, hindi raw dapat na maging dahilan ni Suntay na naging tapat at dapat umanong tanggapin ng kaniyang kapatid ang pahayag nito bilang “compliment.” 

“We cannot continue excusing this as ‘just being honest’ or ‘just a compliment,’ It is neither,” saad niya. 

Aniya, dapat daw na maging ligtas na espasyo ang pamahalaan para sa mga kababaihan at magkaroon ng pananagutan sa mga nahalal na opisyal na ipinangangalandakan ang ganoong mga klaseng ideya sa publiko. 

“Respect is not complicated. If we want safer environments for our daughters, nieces, and future leaders, accountability must begin with those elected to represent us,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na pahayag, tugon, o reaksyon si Anne kaugnay rito. 

KAUGNAY NA BALITA: Rep. Suntay sa sinabing ang ganda-ganda ni Anne Curtis: 'I think she should take it as a compliment!'

KAUGNAY NA BALITA: 'There’s nothing sexual sa sinabi ko!' Rep. Suntay, ipinaliwanag naging pahayag tungkol kay Anne Curtis

Mc Vincent Mirabuna/Balita